SIMULA Agosto 15, 2015, ang Cebu Pacific flights na gumagamit ng turbo-prop o ATR aircraft, katulad ng mula sa Maynila patungong Caticlan, Busuanga, Laoag at Naga, ay mag-o-operate sa labas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.
Habang ang lahat ng Cebgo (dating Tigerair Philippines) flights ay mag-o-operate sa labas ng NAIA Terminal 3, simula sa nabanggit na araw. Ang lahat ng Cebgo flights ay gagamit ng jet o Airbus A320 aircraft.
Ito ay may kaugnayan sa anunsiyo ng Manila International Airport Authority (MIAA), may petsang Mayo 28, 2015, upang ma-maximize ang runway space sa NAIA. Sinusuportahan ng CEB ang nasabing hakbang ng pamahalaan upang mapagbuti ang air traffic conditions sa Manila.
Inabisohan ng Cebu Pacific group ang kanilang mga pasahero ukol sa nasabing terminal changes para sa mga aalis at darating sa Maynila. Ang oras ng flight ay mananatili.
Sa NAIA Terminal 3 (Airbus Flights), ang lahat ng Cebgo (DG) flights mula Maynila patungong Bacolod, Butuan, Cebu, Cagayan de Oro, Davao, General Santos, Iloilo, Kalibo, Legazpi, Puerto Princesa, Roxas, Tacloban at Tagbilaran.
Habang sa Terminal 4 (ATR flights), ang lahat ng Cebu Pacific (5J) flights mula Maynila patungong Busuanga (Coron), Caticlan (Boracay), Laoag, at Naga.
Samantala, ang Select Cebu Pacific (5J) flights: 5J 337/338 Manila-Kalibo-Manila; 5J 345/346 Manila-Kalibo-Manila; 5J 557/556 Manila-Cebu-Manilaon ay sa Miyerkoles at Sabado; 5J 557 Manila-Cebu ay tanging sa Agosto 24; 5J 556 Cebu-Manila sa Setyembre 10; 5J 579 Manila-Cebu sa Octubre 3. (GLORIA GALUNO)