Sunday , December 22 2024

50-storey pambansang ‘photo bomber’ ipagigiba

 

dmci rizal

HANDA ang Maynila na gibain ang Torre de Manila kung ipag-uutos ng korte.

Ayon sa local executives, kung iuutos ng Korte Suprema na ipagiba sakaling mapagdesisyon na labag sa batas ang konstruksiyon ng kontrobersiyal na 50-storey condominium.

Gayonman, hinihintay pa ang magiging hatol ng korte bago sila gumawa ng aksyon sa halos 50-palapag na gusali.

Wala pang nailalatag na ayuda para sa mga apektadong trabahador ng gusali hangga’t wala pang desisyon ang Korte.

Samantala, itinigil na muna ang pagbebenta ng condominium unit sa kontrobersyal na tinaguriang ‘pambansang photobomber.’

Sinuspinde ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) ang lisensya ng DMCI Homes dahil sa inilabas na temporary restraining order (TRO).

Ani HLURB chief executive director Antonio Bernardo, inihinto muna ang pagbabayad ng monthly amortization ng mga nakakuha ng unit.

Tatagal ang suspensiyon hanggang may TRO ang Kataas-taasang Hukuman. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *