Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roxas double digit Binay bumagsak sa survey

0619 FRONTPATULOY ang pagbaba ng mga numero ni Vice President Jejomar Binay sa presidential surveys.

Base sa huling Ulat ng Bayan ng Pulse Asia, bumagsak sa 22% ang bilang ng mga sumagot sa survey na boboto para kay Binay sa darating na eleksyon sa 2016 mula sa 30% na naging rating niya noong Marso. 

Nanguna naman si Senadora Grace Poe na nakakuha ng 30%.

Kapansin-pansin ang pag-angat ng mga numero ni DILG Secretary Mar Roxas na kahit pang-apat sa over-all standing ay naging double-digit na ang ranking.

Mula sa 4% noong Marso ay umakyat na sa 10% ang numero ng mga botanteng gustong si Roxas ang humalili kay Pangulong Noynoy Aquino sa pagbaba nito sa 2016. 

Mula NCR hanggang Mindanao ay tumaas ang ratings ni Roxas, pati rehistro sa iba’t ibang demograpiko ng Class ABC hanggang E ay tumaas. Ito ay sa kabila ng hindi pa nagdedeklara ng kanyang kandidatura ang Kalihim kahit na ipinahayag ni PNoy na personal niyang pambato si Roxas dahil sa magandang performance bilang kalihim, senador at kongresista. 

Sinabi na ni PNoy na sa katapusan ng Hulyo ay iaanunsiyo na niya ang ieendorso ng administrayon pagkatapos ng mga konsultasyon sa kanilang mga kaalyado. 

Kahit wala pa ang opisyal na anunsiyo ni PNoy ay sigurado naman ang mga opisyal tulad nila Senate President Frank Drilon at DBM Secretary Butch Abad ng Partido Liberal (LP) na si Roxas na ang pambato nila sa darating na halalan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …