Saturday , November 23 2024

Talong talo si VP Binay sa social media

00 pulis joeyEVERY time na i-post ng TV networks sa kanilang website ang mga pahayag o mga lumalabas sa bibig ng mga Binay partikular kay Vice President Jojo tungkol sa politika, ilang doble ang bilang ng mga nagbibigay ng mga brutal na comments kaysa nagla-likes.

Kaya kung sa social media magsagawa ng survey para sa presidentiables sa darating na halalan, kulelat si VP Binay laban kina Senadora Grace Poe, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, DILG Sec. Mar Roxas at ex-Senator Ping Lacson.

Ito kasing mga naaabot o “in na in” na sa social media ay mulat o updated sa mga nangyayari sa ating bansa. Nasusubaybayan nila ang mga isyu partikular ang mga ginagawa ng bawat politiko o lider natin.

At habang papalapit ang halalan at palawak nang palawak naman ang sharing ng mga impormasyon sa social media ay pababa nang pababa ang trust rating sa mga survey ni VP Binay.

Kaya hindi malayong mangyari na bago ang eleksyon, 11 months mula ngayon, ang matitira na lang kay Vice President ay mga diehard niyang supporters na kahit anong isyu, kahit may maliwanag na mga ebidensiya ng katiwalian, ay hindi bumibitiw sa mga Binay.

Sa latest survey nga ng Ibon Foundation na lumabas kamakalawa, sina VP Binay at Sen. Poe ay pantay na sa 13 percent, sumunod si Duterte (7.6%) at Roxas (3.8%).

Ang hinihintay pa nating surveys ay sa SWS at Pulse Asia. Abangan natin kung napanatili pa ba ni Binay ang pangunguna o nalagpasan na siya ng ibang presidentiables na hindi pa naman nagdedeklara.

Sa mga nabanggit na presidentiables, si VP Binay pa lamang ang nagdeklarang tatakbo.

Malalaman natin sa Oktubre 12-16 kung sino-sino ba talaga ang mga tatakbong presidente sa ating bansa para sa susunod na anim na taon.

Abangan!

Paging DENR: Sobrang baho na ang gilingan ng basura sa Pasay City

– Sir Joey Venancio, ako po ay masugid na taga-subaybay sa inyong column. Report ko po yung gilingan ng basura dito sa boundary ng Malibay at Maricaban dito sa Pasay City. Sobra na po ang baho. Katabi po ito ng ilog. Kahit puntahan nyo pa po, katapat ng ginagawang Maynilad. Yung daan lubak lubak pa dahil sa ginawagang butas ng taga-Maynilad simula Malibay Edsa hanggang boundary ng Maricaban. Sabi ng lola ko, hindi daw makareklamo ang mga tao sa amin dahil ang may-ari ay si Calixto. May nagreklamo na dati, nagalit pa raw dun sila sa mga nagrereklamo. Sana matauhan si Calixto. Malapit na naman ang eleksyon. Pls don’t publish my number. -Concerned citizen

Paging DENR, trabaho ninyong tingnan ang ulat na ito ng concerned citizen. Aksyon!

Grabeng droga sa Brgy. 412, Manila

– Sir Joey, report ko po dito sa amin sa Brgy. 412 (Manila) sobrang garapalan na ang bentahan ng iligal na droga (shabu). Dito po yan banda sa may LRT. Halos isang pamilya po ang nagtutulak dito ng shabu. Nahuli na ang mga ito pero nakalalabas din agad at dito sila namumugad sa likod ng LRT. Ang tserman po namin dito ay si Cinco. Sana naman ay maaksiyunan nya ito lalo na ang kapulisan ng Stn 4 (MPD). Huwag nyo lang po ilabas ang numero ko, delikado, – Concerned citizen

Paging MPD-PS 4 chief, pakia-Oplan Lambat-Sibat ang mga “basura” sa naturang barangay. Aksyon!

Laging may rambulan sa Padis Point Rotonda-Edsa

– Gud day po. Reklamo ko po itong Padis Point sa Rotonda Edsa corner Pilapil st. Araw araw nalang may rambulan. May binaril po na kostumer galing po sa Padis Point Rotonda Edsa nung Thusday. Ang bumaril pamangkin ng barangay chairman dito na nagtatago ngayon. Nasa ospital pa po yung  biktima.  Ngayon pong umaga (Sabado) muntik naman nagrambulan ang mga kostumer sa itaas ng Padis Point. 4 months after po ay may pinatay na costomer dito mismo sa Padis Point na ito. Dapat po ipasara na ang Padis Point na ito na nasa itaas Empire Mall. Puros gulo dito eh. – 09098774…

(Ang dapat magpaalis dyan sa Padis Point ay management ng Empire Mal)

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *