Thursday , November 14 2024

Rizal PNP nanguna sa Oplan Lambat- Sibat ng DILG

00 rex target logoMAKARAANG ipatupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang Oplan Lambat Sibat, isang all out war versus all forms of criminalities, lumutang ang probinsiya ng Rizal sa Calabarzon area sa mga nangungunang lalawigan na may pinakamaliit na krimeng naitala.

Repleksyon ito ng magiting at mahusay na pamumuno ng kanilang Provincial Director na si Colonel Bernabe Balba na direktang nasa ilalim ng ating kaibigang heneral, Richard Albano ng PRO 4-A .

Malaki ang lalawigan ng Rizal at nasa boundary nito ang siyudad ng Marikina at Quezon City.

Malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga balikat ni Colonel Balba para mapanatiling payapa at tahimik ang kanyang AOR na dinarayo ng iba’t ibang uri ng tao.

Simple lamang ang formula ng magiting na koronel sa pagmamantine ng kaayusan sa buong Rizal. Una ang regular na pakikipag-ugnayan sa kanyang mga tauhan lalo na yaong nasa field ang assignments. Ang palagiang pagbibigay tagubilin sa pulisya na maging vigilant at masigasig sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin.

Ang ikalawa, i-maximized ang lahat ng paraan para matugunan ang ano mang sitwasyon puwedeng maganap ano mang oras sa maghapon at magdamag.

Bagama’t nasabi na natin na lubhang malaki ang land area ng Rizal at daang libo ang populasyon nito, nagagawa ni Balba na matutukan ng Rizal PNP ang bawat sulok  ng nasabing probinsiya sa pamamagitan ng paggamit sa force multiplier na magpapatupad at magmamantine ng kaayusan.

Ang force multipliers na tinutukoy natin ay mismong mamamayan ng bawat barangay sa nasabing lugar.

Mga barangay officials at tanod na dapat ay always ready umalalay sa ating pulisya. Kung iaasa lamang kasi natin sa mga pulis ang pangangalaga sa peace and order situation ng ano mang lugar, imposible itong makapangyari.

Sinisikap ni Colonel Balba na maging ang mga ordinaryong mamamayan ay may tungkulin din sa pangangalaga ng kaayusan sa isang pamayanan.

Sa pag-iikot ni Balba sa mga bayan, barangay units ng Rizal, ipinararating niya sa taumbayan ang kahalagahan ng pakikiisa sa institusyon ng pulisya.

Ang simpleng pagmamasid sa kapaligiran at pagre-report sa himpilan ng pulisya ay mahalagang gawa para sa katahimikan at crime prevention.

Hindi gagawa ng ano mang krimen ang masasamang loob kung alam nila na vigilant ang isang komunidad at aktibong nakikiisa sa gobyerno.

“Prevention is much better than cure,” katwiran ni Col. Balba.

Sa limited resources ng Rizal PNP at ng mga siyudad at bayan ng nasabing lalawigan, naging positibo si Balba na sapat na ito para mapangalagaan ang buong probinsiya.

Kailangan lamang ay sipag at dedikasyon sa trabaho.

Nagpapasalamat din si Balba una sa kanilang Ina ng lalawigan na si Gov. Nini Ynarez at ikalawa ay kay General Albano na todo ang suporta sa kanyang tanggapan.

Ganoon din kay DILG Secretary Mar Roxas na siyang utak ng Oplan Lambat Sibat.

Sa Rizal, ang pinakaunang na-neutralized ay riding in tandems na ugat ng iba’t ibang kriminalidad gaya ng pagnanakaw at pagpatay.

Ang pagtatalaga ng random checkpoints at chokepoints sa strategic areas ay napakalaking tulong sa pagbaba ng crime rate.

Ang police visibility ay isa pang ‘deterrent factor’ ng mga krimen.

To make police work easy and effective, sentido kumon lamang at konting pag-aaral ang ginagawa ni Colonel Balba na sana’y gayahin din ng iba pang PNP officials sa buong kapuluan.

With this, binabati natin ang buong puwersa ng Rizal PNP at maging ang PNP PRO4-A for a job well done.

Mabuhay ka Colonel Balba at General Richard ‘Ka Banong’ Albano!   

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *