Binays kontra political dynasty law at gusto walang limit ang Pres.
hataw tabloid
June 12, 2015
Opinion
HANEP talaga ang mga Binay. Gusto lahat ng gagawing batas papabor sa kanila.
Mantakin ninyong kontrahin nang todo-todo ang anti-political dynasty law na isinusulong ng matitinong mambabatas sa kongreso.
Kasi nga buong pamilya nila ay nakapuwesto sa politika. Vice President ang ama na si Jojo, senadora ang anak na si Nancy, kongresista ang isa pang anak na si Abi, mayor ang isa pang anak na si Junjun, at dati ring mayor ang ina na si Elenita. Kaya naman ubod na nila nang yaman ngayon. Mayroon silang pork barrel sa mababa at mataas na kapulungan at lagom lahat ng “kickbacks” sa mga proyekto, ayon sa Senate inquiry.
At gusto rin nilang walang limit ang panunungkulan ng presidente at bise presidente, sabi ng matandang Binay na Bise Presidente ngayon ng ating bansa.
Sabi ni VP Binay, hayaan na lang daw ang tao magdesisyon hangga’t gusto nila ang presidente at bise presidente. Ganito ang katuwiran noon ni late Pres. Ferdinand Marcos.
Ito pa ang nakatatawa, kapag siya (VP Binay) raw ang nakaupo sa Malakanyang ay itutuloy niya ang kampanya kontra korupsiyon. Ngek! Sino siyang nagsasalita? Ha ha ha…
At hindi raw sila magtatalaga sa gabinete ng isang politiko. Siguro ang ilalagay nila ay mga kamag-anakan na lang para walang lusot ang mga proyekto at tiba tiba sila sa kickbacks!
Kaya okey ako rito sa mga ginagawang rali ng mga kilalang entertainers na sina Jim Paredes, Cynthia Patag at Leah Navarro na “STOP BINAY” to run sa 2016. Sana sumama rin sa kanila ang mga taong simbahan at kabataan.
Panahon na talaga para wakasan ang political dynasty! Dahil ito ang ugat ng grabeng katiwalian sa gobyerno. Kasi nga magkakasabwat na ‘yan. Hindi mabubunyag ang kanilang katiwalian sa puwesto hangga’t puro sila ang nakaupo tulad sa Makati City. Mabuti na lang at mayroong isang gagong ex-Mayor Ernesto Mercado na nakonsensiya na yata kaya lumantad at ibinulgar lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa katiwalian ng dati niyang bespren at kaalyado na si VP Binay. Ito ang sinabi na “bestfriend is worst enemy.”
Reaksyon ng PNP Directorate for Comptrollership para sa retired police
Pinadalhan ako ng sulat ng PNP Directorate for Comptrollership na nagpapaliwanag tungkol sa isinulat kong hinaing ng mga retiradong pulis.
Dear Mr. Venancio:
This pertains to a news article published on your column, Sumbong at Reaksyon, dated January 3, 2015 regarding the PNP retirees claims for the payment of their pension differentials.
Please be informed that the Philippine National Police (PNP) is continuosly coordinating with the Department of Budget and Management (DBM) regarding the release of funds for pension differentials. Hence, the pension differentials/adjusment requirements for PC/INP retirees have been incorporated in the proposed annual Pension and Gratuity budget. Unfortunately. no funds have been released by the DBM for PC/INP differentials.
Rest assured that we will continue to address the concerns of all our pensioners.
(Sgd) P/Dir. Rolando Abenojar Purugganan Director for Comptrollership
Ayan, PNP pensioners, sorry… wala pa raw budget para sa hinahanap nyong pension differentials.
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015