Saturday , November 23 2024

Senate Bill No. 1317 vs. political dynasty si Lim ang may akda

00 Kalampag percyDALAWAMPU’T walong taon na ang ating Saligang Batas pero hanggang ngayon ay wala pang naipapasang enabling law o batas na magpapatupad laban sa political dynasty.

Sa Article II Section 26 ng 1987 Constitution, mandato ng Kongreso ang magpasa ng batas (enabling law) na nagbabawal sa political dynasty upang magkaroon ng patas na oportunidad ang mga mamamayan na nagnanais manungkulan sa pamahalaan.   

 Ang nakalulungkot, trabaho ito ng mga mambabatas pero karamihan sa kanila’y hindi pabor na magkaroon ng Anti-Political Dynasty Law, isa na riyan si Sen. Nancy Binay.

Para sa mga baliw na nagmula sa angkan ng mga politikong sakim sa kapangyarihan, partikular ang angkan ng mga Ejercito- Estrada at Binay, hindi dapat ipagbawal ang political dynasty dahil ang mga kandidato ay ibinoboto kahit sila’y magkakamag-anak.

Hindi sana lumala ang pamamayagpag ng political dynasty na ugat ng talamak na katiwalian sa pamahalaan kung kakaunti ang bilang ng mga suwapang na ayaw umalis sa poder ng kapangyarihan.        

Labing isang taon ang nakararaan, inihain sa Senado ang kauna-unahang panukalang batas na babalangkas para tuldukan ang political dynasty.

Base sa official record ng Senado, si noo’y Senator Alfredo S. Lim ang kauna-unahang mambabatas na naghain ng panukalang tutuldok sa political dynasty.

Ang Anti-Political Dynasty Act of 2004, sa ilalim ng Senate Bill No. 1317, ay inihain ni Lim noong July 4, 2004 pero matapos ihain ay hindi umusad sa committee.

Ibig sabihin, binalewala ng mga mambabatas ang panukalang batas na sasagasa sa kanilang pansariling interes at kapakanan.

Kaya ang kahabag-habag na kalagayan ng mayorya ng mga Pinoy ay resulta nang pagpapasasa nila sa kapangyarihan at walang patumangga nilang pagnanakaw.

Kabit at anak sa labas, ibabawal sa gobyerno

SA Kamara, pati mga ‘kabit’ at anak sa labas ay isinama na sa katulad na panukalang batas na ipupuwera nang humawak ng anomang puwesto o kumandidato.

Ayon ito kay House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman at Capiz Rep. Fredinil Castro sa ilalim ng Anti-Political dynasty bill.

Lilimitahan na lang daw sa dalawang miyembro ng isang pamilya ang maaaring umupo nang magkasabay sa ano mang elective positions.

Bukod sa mga orihinal na miyembro ng pamilya sakop na rin ng panukala ang mga kabit, common law wife, common law husband, at mga illegitimate child.

Nakasaad pa na ang limitasyon sa ilalim ng panukala ay hanggang second civil degree o ‘mula sa lolo papunta sa tatay papunta sa apo, mula sa tatay papunta sa lolo papunta sa tiyo or kapatid.’

Sakaling lumusot ang panukalang batas na ito, todas na ang political career ng mag-inang Guia Gomez at Sen. JV Ejercito.

Alam ng buong mundo na si Guia ay kabit ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada at si Sen. JV ay anak nila.

Pero matagal pang usapin ‘yan na posibleng matulog lang sa archives ng Kamara tulad ng nangyari sa Senate Bill No. 1317 ni Mayor Lim noon sa Senado.

Kung tutuusin, ipinagbabawal naman talaga sa gobyerno ang imoralidad at kung gagampanan ng Ombudsman ang kanilang tungkulin na “motu propio” kahit walang nagrereklamo, lalo na sa lantarang baboy na pagkatao ni Erap.

Nanloob sa mansion nila, marangal pa kay Jinggoy

HINDI raw mapapatawad ni Sen. Jinggoy Estrada si Erick Dalagan, ang isa sa dalawang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa Corinthian Hills Subdivision kamakailan.

Pinalilitaw ni Jinggoy na taumbayan ang bumugbog kay Dalagan, taliwas sa ibinalita ng telebisyon na mga pulis na security ng kanyang pamilya ang nakahuli sa suspek.  

Asus, sinong taumbayan ang gumulpi kay Dalagan, gayong ang tinutukoy na nilooban ay masion ni Jinggoy na nasa loob ng exclusive subdivision na ni isang tumatambay ay wala?

Sa totoo lang, marami ang natawa nang mabalitang pinasok ng magnanakaw ang bahay ng senador.

At kung sa palagay ni Jinggoy, tamang sapitin ng isang karaniwang suspek sa pagnanakaw ang pambubugbog kapag naaresto, hindi ba dapat ay higit pa ang gawin ng taumbayan sa mga tulad niya bago ikinulong sa kasong pandarambong?

May mga naniniwalang ‘di hamak na marangal si Dalagan kompara kay Jinggoy dahil sinuong niya ang panganib kahit ‘barya’ lang ang mananakaw, samantala si Jinggoy ay tinatawag pang “honorable” kahit dinambong sa bayan ang tinatamasang karangyaan.

Alam ba ni Jinggoy na ang kasong robbery ay ‘di hamak na mas marangal kompara sa pandarambong sa salapi ng bayan o sa kasong plunder na binubuno niya ngayon sa selda?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *