Thursday , November 14 2024

Mababaw si Bongbong

EDITORIAL logoKUNG ihahambing ang galing ni dating President Ferdinand Marcos sa kanyang anak na si Sen. Bongbong Marcos, masasabing napakalayo ng agwat nila. Ni sa kalingkingan ay hindi kayang pantayan ni Bongbong ang nagawa ng kanyang amang si Makoy noong senador pa.

Nakahihiya dahil sa kabila ng pagiging Marcos ang apelyido nitong si Bongbong, mukhang  nagkakalat naman sa Senado.  Kamakailan ay nag-privilege speech si Bongbong at laking gulat nang marami dahil sa kanyang talumpati, hiningi niya na patalsikin ni Pangulong Noynoy Aquino si dating PNP Chief Alan Purisima.

Napakababaw ng privilege speech ni Bongbong.  Kung gusto kasi niyang patalsikin sa serbisyo si Purisima ay maaari naman niya itong gawin sa pamamagitan ng press release o press conference imbes sa pamamagitan ng privilege speech.

Kung isang earth shaking o malaking expose’ ang kanyang gagawin, doon niya maaaring gamitin ang privilege speech pero kung pipitsuging panawagan lang naman, makabubuting media interview na lang ang kanyang gawin. 

Nakadedesmaya si Bongbong.  Hindi astang senador ang kanyang ginagawa at sa halip parang barangay captain siya ng isang maliit na lugar sa Ilocos Norte.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *