Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagmimina sa Bulacan posibleng magpagalaw sa West Valley Fault

NANGANGAMBA ang isang enviromental group na maging sanhi ng paggalaw ng West Valley Fault ang pagmimina sa Bulacan.

Sinabi ni Bro. Martin Francisco ng Sagip Sierra Madre Environmental Society Inc. (SSMESI), may pabrika ng semento na malalim na lupa na ang minimina para makakuha ng limestones.

Naipaabot na aniya ito ng grupo sa pamahalaan ngunit sinagot sila na hindi ito makaaapekto sa fault line.

“Ayon sa mga nagmo-monitor naming tao, nakakatakot dahil hindi naman nila nakikita kung ano ang nangyayari doon sa ilalim. Ang ikinakatakot ay baka mag-trigger ang lalong mas paggalaw ng Marikina West Valley Fault line.”

Naririnig ang lakas ng pagsabog mula sa quarrying sa malalayong lugar.

Tantiya ng kanilang grupo, sakaling maging mitsa ng pagyanig ang pagpapasabog, agad maaapektohan ang Doña Remedios Trinidad, Norzagaray, Minuyan, Bigte at Matiktik.

Pangamba rin nila, malapit sa fault line ang Angat Dam na nanganganib na bumigay dahl nakatayo ang isa sa dike nito sa itaas ng West Valley Fault.

Nabanggit na rin ng grupo ang agam-agam kay Bulacan Gov. Wilhelmino Alvarado.

“Siya ay nagpapatawag ng isang pagpupulong at ipinanawagan na rin sa ahensya ng DENR (Department of Environment and Natural Resources) na tutukan itong problema para maalis ‘yung agam-agam ng mga tao.”

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …