Friday , November 15 2024

Independence Day, araw ng protesta kontra China — Alunan

SINUPORTAHAN ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Rafael Alunan III ang protesta sa Araw ng Kalayaan sa Biyernes (Hunyo 12) ng West Philippine Sea Coalition na may temang  “China Stop Bullying! Be A Responsible Asian Leader” sa harapan ng Chinese Consulate sa Buendia Avenue, Makati City.

Ayon kay Alunan, napapanahon nang ipakita ng sambayanan  ang pagkakaisa laban sa pambabastos ng China sa ating soberaniya sa pag-angkin sa mga teritoryong panahon pa ng mga Espanyol ay pag-aaari na ng Pilipinas tulad ng Panatag Shoal sa Spratlys.

“Wala man tayong Sandatahang Lakas na katulad ng sa China na isa nang superpower, kailangang maunawaan ng mga Chinese na walang naniniwala sa inimbento nilang nine-dash line at dapat nilang igalang ang ating kasarinlan na natamo natin sa pakikibaka sa mga dati rin superpower tulad ng Spain, United States at Japan,” giit ni Alunan.

Nakatakda rin lumahok sa protesta para sa Inang laya ang mga grupong Volunteers Against Crime and Corruption, Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa, Motorcycle Federation of the Philippines, Motorcycle Rights Association, Quezon City Motorcycle Association, Heroes Foundation, Pro-Gun, Anti-Drugs Advocates, mga runners sa pangunguna ni Fr. Robert Reyes at marami pang iba.

Ang protesta na magsisimula alas-10:30 ng umaga at matatapos alas-12:00 ng tanghali ay mananawagan sa pagpapatigil sa reklamasyon ng China sa Spratlys na nagiging pandaigdig na isyu na ngayon matapos tuligsain ng makapangyarihang Group of Seven Nations (G-7) ang large-scale land reclamation sa West Philippine Sea.

Binubuo ang G-7 ng United States, United Kingdom, Canada, France, Germany, Italy at Japan na nag-endorso rin ng Declaration on Maritime Security sabay sa panawagan sa lahat ng bansang umaangkin sa Spartlys na igalang ang mga pandaigdigang batas tulad ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

“Malinaw na pasok sa teritoryo ng Pilipinas ang mga ginawa nilang artipisyal na isla na hinihinala maging ng US na base militar na ngayon kaya mapanganib hindi lamang sa ating bansa kundi sa lahat ng bansang may mga barkong dumaraan sa nasabing karagatan,” ani Alunan. “Kaya sa ating protesta sa Biyernes na Araw ng Kalayaan, pangunahin nating isisigaw sa harapan ng Chinese Consulate ang ‘Alis Diyan! Amin ‘Yan!’ upang ipaglaban ang ating lehitimong karapatan sa West Philippine Sea.”

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *