Friday , November 15 2024

Anomalya umalingasaw sa sementeryo ng Pasay

00 rex target logoSABIT na naman ang dalawang matataas na opisyal ng Pasay City.

Patungkol ito sa pagtanggap nila ng halagang dalawampung milyong piso (P20-M) mula sa isang grupo ng mga Koreano na nagnanais maisapribado ang Sarhento Mariano Public Cemetery diyan sa nasabing lungsod.

Alam po ba ninyo mga kabayan, wala pa mang konsultasyon o approval ang city council ay niratrat na kapagdaka ang mahigit sa 50 nitso sa loob ng nasabing sementeryo para sa pagbibigay-daan sa nasabing hilaw na proyekto.

Hilaw dahil hindi ito aprubado ng city council.

Ang masakit, paano na ang mga pamilya ng mga ginibang puntod na hindi man lamang napasabihan ? Saang lupalop hahanapin ang labi at mga buto ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay?

Napakalaking disrespeto ang ginawang ito hindi lamang sa mga patay kundi sa mga mahal sa buhay ng mga namayapa nang tao.

May mga larawan tayong magpapatunay na inumpisahan na ngang gibain ang napakaraming nitso sa loob ng Pasay City Public Cemetery na pinamamahalaan ng isang REMY GARCIA bilang administrador.

Ngayon ngang tila nagkakaaberya na patungkol sa kuwestiyonableng proyekto, si Ms. Garcia na ang kinukulit ng mga Koreanong investors.

Kinukuwestiyon din ng mga konsehal ng Pasay ang nasabing ‘milagro’ sa sementeryo ng Pasay at ngayon ay inaalam kung may katotohanan sa nabunyag na

P20-M payola na umano’y napasakamay ng dalawang mataas na opisyal na isinasangkot sa anomalya.

Wala naman umanong planong maglabas pa ng additional na ‘panuhol’ ang mga gagong Koreano.

So paano na ang magiging kalagayan ng mga patay na nakahimlay sa nasabing libingan?

Saan kaya itinambak ng mga tauhan ni Ms. Garcia ang labi ng mga patay na dating maayos na nakalibing sa mga nitsong giniba?

Pinagkalooban ba ng prior advisory ang mga kamag-anakan ng mga patay na nakahimlay sa pampublikong sementeryo ng Pasay bago ginaba ang mga puntod nito?

Kung may anomalya nga talaga sa proyektong ito, paano na maibabalik sa dating ayos ang nasabing libingan ngayong dinurog na at tinatayuan ng mga apartment type na libingan na papaupahan umano ng grupo ng mga Koreano?

May mga larawan tayong magpapatotoo sa mga kagagohang ito riyan sa Sarhento Mariano Public Cemetery.

Iba talaga ang leadership quality ni Mayor Fresnedi

Iba talaga kung matalino ang isang ama ng lungsod. Kaya niyang patakbuhin ang isang lokal na pamahalaan nang maayos.

Kaya niya rin pasunurin ang kanyang mga tauhan at maging ang barangay leaders.

Isa sa mga alkaldeng may ganitong katangian ay si Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi.

Isang antigong lider ng naturang siyudad na inirerespeto at hinahangaan ng kanyang mga constituents.

Simula nang muling hawakan ni Fresnedi ang pagtitimon sa pamamahala ng siyudad, naging maayos na ang lahat at muling natamasa ng mga mamamayan ng Muntinluipa ang de kalibreng liderato ng isang may malasakit na lider.

Nailagay  sa ayos ni Mayor Fresnedi ang bawat pagawain ng lungsod mula sa pagkakaloob ng basic services sa mamamayan nito hanggang sa pagbibigay ng regular na ayuda sa sektor ng mga seniopr citizens at kabataan.

Ang dalawang grupo kasing ito ang may pinakamalaking pangangailangang  tulong mula sa pamahalaang lokal.

Kapwa nangangailangan ng ayuda sa kanilang kalusugan ang matatandang residente ng siyudad at ang mga kabataan. Edukasyong libre para sa kabataan, medikal at kalinga para sa matatanda.

Batid ni Mayor Fresnedi na kailangan makarating ang bawat programa ng lungsod sa dalawang sektor upang maipadama sa kanila ang tunay na pag-aaruga ng isang liderato na may malasakit.

Hindi rin nakakaligtaan ni Fresnedi ang isyu sa peace and order at maging ang tungkol sa negosyo at ekonomiya.

Binibigyang prayoridad ng alkalde ang isyu sa peace and order dahil ito ang mga pangunahing konsiderasyon ng mga mamumuhunan at mga nais magtayo ng bagong negosyo sa Muntinlupa.

Kailangan kasing maging ‘business friendly ang siyudad para sa mga local and foreign investors man. Makikita at mapupuna ang mga ginugugol na panahon ni Mayor Fresnedi sa pag-aaral at pagsangguni sa mga eksperto para sa economic stability ng Muntinlupa.

In close coordination ito sa iba pang opisyal ng siyudad lalo na sa konseho para hingiin ang kanilang payo sa mga importanteng desisyon.

Regular ang pakikipagpulong ng alkalde sa barangay leaders para mabatid ang kanilang mga pangangailangan at naisin. Lahat ng stakeholders ng Muntinlupa ay sinasangguni.

Isa nga pala sa pinagdedebatehan sa ngayon sa Muntinlupa ay ang tungkol sa ilegal na sugal na tila nakokompromiso si Mayor Fresnedi patungkol sa saklang-patay na pinapatakbo ng ilang barangay officials kabilang na rito ang isang alyas  KUPITAN WALTER at LOLET POYONG.

Katwiran nila, sa saklang patay umano nagmumula ang salaping kanilang itinutulong sa pamilya ng namatayan.

Hindi naman sinang-ayunan ito ng marami sa mga konsehal dahil may sapat umanong pondo mula sa local DSWD ang Muntinlupa para sa mga kahalintulad na pangangailangan.

Malaon nang isinasangkalan ang isyung ito, ayon sa ilang konsehal patungkol sa patuloy na operasyon ng saklang patay.

Bukod sa saklang patay, naririyan pa rin ang  LOTTENG na umano’y pinapalakad ng isang alyas MAMSIE na ang ipinagmamalaking padrino ay isang Gen.  Balagtas sa Kampo Crame.

Bagama’t maliliit na isyu itong masasabi sa magagandang nagawa ni Mayor Fresnedi, nananatiling batik pa rin sa magandang imahe ng alkalde ng Muntinlupa.

Inaasahan nating magdedesisyon na si Fresnedi sa legitimate concern na nagsisilbing kalawang sa kanyang mahusay na liderato.

Alam naman  natin na kahit singkong duling ay hindi nakikinabang ang butihing mayor ngunit dahil nga sa kabaitan ay naaabuso ng enterprising barangay officials na mahilig gumawa ng pera.

 Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *