Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mison ginisa  sa Kamara

GAYA ng kasabihan na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig, mistulang ito ang nangyari kay Bureau of Immigration Commissioner Siegfried Mison sa isinagawang congressional inquiry kahapon sa Kamara.

Palusot ni Mison kasama ang dalawang associate niya na sina Abdullah Mangotara at Gilberto Repizo sa Committee on Good Governance and Public Accountability, hindi ‘authenticated’ ang mga dokumentong ibinigay sa kanila ng Chinese embassy kung kaya’t binaliktad nila ang March 5, 2015 summary deportation order.

Ngunit kalaunan, umamin si Mison na hindi talaga kinakailangan na ‘authenticated’ ang mga dokumento para maipa-deport si Wang Bo dahil wala ito sa ‘rules and regulation’ ng BI ngunit isa siya sa pumirma sa May 21 reverse resolution na nagpapahintulot sa pananatili sa bansa ng Chinese national na si Wang.

Salag ni Mison, may kaso si Wang dito sa bansa kaya dapat manatili siya rito para papanagutin sa ating batas, ngunit pawang mga hearsay lamang ito o sabi-sabi, nang tanungin siya ni Rep. Agapito Guanlao.

Sa patuloy na pagdinig, nadulas ang bibig ni Mison na pito hanggang sampung araw lamang dapat maipatupad ang deportation order ngunit hindi nangyari ito bagkus ay binaliktad ang nauna nilang desisyon.

Makaraan ang reverse resolution ng BI, kataka-takang gumawa sila uli ng propose resolution para ipa-deport si Wang na hindi pinirmahan nina Mangotara at Repizo sa pagsasabing dapat ay ‘authenticated’ talaga at hindi photo copy ang mga dokumentong ipinadala ng Chinese embassy.

Isa pang kinuwestiyon ng mga mambabatas kung bakit pinapasok sa bansa si Wang gayong blacklisted na pala at dapat pinabalik agad sa pinanggalingan niya, na siya rin naging tindig ni Mangotara kontra sa desiyon ni Mison.

Nabuwisit at binulyawan ni Rep. Jerry Trenas si Repizo dahil sa pagsabat habang nagsasalita siya at sa ginagawang pagtatanggol ng BI kay Wang para hindi makaalis sa bansa.  

Habang parang ‘Makapili’ na inginuso ni Mison ang hepe ng kanilang legal division na si Atty.Chris Villalobos na siya umanong responsable sa pag-execute ng deportation order.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …