Wednesday , December 25 2024

Mayor Alfredo Lim may karamdaman, bedridden na ba?

00 Kalampag percyHINDI na raw makatayo dahil nakaratay na sa banig ng karamdaman si Manila Mayor Alfredo Lim.

‘Yan ang ipinakakalat na black propaganda ng mga taong maaga pa lang ay umiimbento na ng issue na kanilang magagamit para siraan si Mayor Lim.

Napahalakhak nang malakas si Mayor Lim sa harap ng mga kasama niyang nag-aalmusal at mga kausap nang makaabot sa kanya ang ikinakalat na balita kamakalawa.  

Pabiro namang sinabi ni Mayor Lim na sana man lang daw ay nagdala ng kahit pekeng medical certificate mula sa ospital o doctor ang mga nagkakalat ng balita para naman maging kapani-paniwala ang kanilang paninira.

Kung tutuusin gasgas na nga naman ang paninirang ito at hindi na bago sa pandinig ng mga Manileño dahil ilang ulit nang nagamit na black propaganda bilang paninira laban kay Mayor Lim tuwing nalalapit ang eleksiyon. 

Ang ganitong klase ng paninira ay mababang uri at natitiyak natin na gawa ng mga tao na para malaman nating may utak ay kailangan pang gamitan ng microscope. 

Balita natin, may ilang kilometro ang lalakarin ni Mayor Lim at ng kanyang mga supporters sa darating na Biyernes (June 12) bilang paggunita sa “Araw ng Kalayaan” na susundan ng motorcade sa ilang mga lugar sa Maynila.

Puntirya ng CBCP: Mga tulad ni Erap hindi dapat iboto

SAPOL na naman si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa pinakawalang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga botante kamakailan.

Malinaw at direkta ang tagubilin ng CBCP na dapat nang wakasan ng mga botante sa 2016 elections ang pagboto sa mga kandidatong nagmula sa POLITICAL DYNASTIES.

Nanawagan din ang CBCP sa mga botante na itakwil at huwag iboboto ang mga politikong NOTORIOUSLY CORRUPT o pusakal sa pagiging tiwali.

Ang political dynasty at corruption ay ‘intertwined’ o dalawang bagay na hindi mapaghihiwalay sa mahabang kasaysayan ng politika at sanhi nang patuloy na paglubog ng ating bansa.

Ayon sa CBCP, hindi sila mag-eendorso ng kandidato sa 2016 dahil bukod sa madali nga namang unawain, tumpak at matuwid ang kanilang tagubilin bilang pamantayan na dapat gamiting barometro ng mga botante sa pagboto. 

Kalabisan naman sigurong ipagdiinan ng CBCP na walang karapatang pagtiwalaan ng sagradong boto ang mga tulad ni Erap na matapos mapatalsik sa puwesto ay nahatulan ng Sandiganbayan sa kasong pandarambong, ang pinakamataas na krimen sa bayan na maaaring gawin ng mga nasa pamahalaan.

Sa madaling sabi, ang kambing ay ‘wag nating gawing bantay ng repolyo o kaya naman ay ipagkatiwala ang darak sa baboy.

Siguro naman ay hindi mahirap intindihin ang kahulugan ng political dynasty kapag nabanggit halimbawa ang mga Ejercito-Estrada, Binay, Gatchalian sa Valenzuela, Calixto sa Pasay, Mamba sa Cagayan, Singson sa Ilocos Sur, at iba pang angkan ng mga politikong itinuturing na pag-aaring korporasyon ang gobyerno.

Obama: Pinoy politicians corrupt na sakim pa!

MARAMING politiko sa bansa ang hindi nila alam kung bakit sila napadpad sa politika kaya hindi sila naging epektibo sa serbisyo-publiko dahil ang nasa isip lang ay makapangunyapit sa puwesto kaya nahuhulog sa pagiging corrupt.

Ito ang pananaw ni US President Barack Obama sa mga politiko dito sa atin na kanyang inihayag sa Young Southeast Asian Leaders town hall meeting sa White House kamakailan.

Kulang na lang ay sabihin ni Obama na ginagawang negosyo ng political dynasties ang gobyerno kaya hanggang ngayon ay mahirap na bansa pa rin tayo.

Masaklap pero ‘yan ang katotohanan na dapat ay alam ng mga botanteng Pinoy para hindi laging nagkakamali sa pagpili ng kandidato.

Felix Lapid, 72

PUMANAW na kamakalawa (Linggo) si dating Barangay Chairman at ABC president Felix Lapid ng Balic-Balic, Sampaloc, Manila sa edad 72.

Ang kanyang mga labi ay nakalagak sa Sanctuarium (corner Araneta Ave and Quezon Ave.), sa Quezon City.

Siya ay ililibing sa Biyernes (June 12), 3:00 pm, sa Loyola Memorial Park, Marikina City.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *