CEBU CITY – Iba’t ibang mga opinyon mula sa simbahan at sa mga doktor ang nangyari sa siyam na babaeng inmates na sinasabing sinaniban ng masasamang espirito.
Ayon kay Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center-Jailgurad Vernon Cañete, siyam na inmates ang naging wild at nag-iba ang boses.
Ayon kay Cañete, ang mga sinaniban ay nahaharap sa kasong ilegal na droga.
Una rito, kamakalawa ay nabulabog ang mga jailguard nang narinig sa selda ang pagsigaw ng nasabing inmates.
Humingi ng tulong ang pamunuan ng CPDRC sa isang pari at sa mga doktor mula sa provincial health office.
Ayon kay provincial health officer Dr. Cristina Diango, nakaranas lang nang sobrang carbon dioxide sa katawan ang inmates.
Habang isinagawa ng pari ang isang ritwal at ipinagdasal ang mga biktima sa loob ng kapilya sa jail facility.
Nabatid din na naging boses lalaki ang ilan sa mga sinaniban.
Sinasabing nagagalit ang mga engkanto makaraan galawin ang talangka sa loob ng kweba.
Tatlong inmates na lamang ang patuloy na mino-monitor ng mga doktor at ng pari.