Wednesday , December 25 2024

Nakaka-Bo Wang ang kaso na ito

00 firing line robert roqueNASA gitna muli ng kontrobersya ang Bureau of Immigration (BI) nang mabunyag na binaligtad nila ang deportation order sa pugante mula China na si Wang Bo kapalit ng P540 milyon, at tinangkang palayain ito.

Kung totoo ito ay nakabo-Bo Wang ang kaso dahil sa laki ng halagang ipinangsuhol para makalaya ang suspek.

Inaresto si Wang nang dumating sa bansa noong Pebrero dahil kanselado ang kanyang pasaporte at nasa blacklist ng BI. Nagawaran umano ng release order noong Mayo 21, 2015 nang dahil kina Commissioner Fred Mison, Associate Commissioners Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo.

Hindi lang nai-release si Wang at nanatiling nakadetine sa BI dahil nagprotesta ang Chinese embassy, at kinansela ni Justice Secretary Leila de Lima na humahawak sa BI ang naturang release order.

Dapat paimbestigahan ito nang husto ni De Lima. Paano nila nagawang balewalain ang $100-milyon kaso ng embezzlement ni Wang sa sariling bansa?

Ngayon ay pare-parehong may putik sa pangalan ang nangungunang commissioners ng Immigration.

Ang mismong BI commissioner na si Siegfred Mison nang dahil sa pagpapalaya sa isa pang Chinese national na nagbalik sa Filipinas matapos ma-deport. Sina Repizo at Mangotara ay naputukan naman kay Wang Bo… Nakabo-Bo Wang talaga riyan sa BI!

Sabit din sa kontrobersya ang House of Representatives

Pumutok ang balita na P100 milyon sa payola ay napunta umano sa Immigration at ang P440 milyon ay sa 292 kongresista para maipasa ang Bangsamoro Basic Law.

Hindi dapat pabayaan ng House ang panibagong isyu na kumukuwestiyon sa integridad ng kanilang institusyon. Hindi biro na Chinese crime lord ang sinasabing pinagkuhaan ng administrasyon ng pangsuhol para maaprubahan ang BBL.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *