HINILING ni Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares ang independent investigation ng Ombudsman sa sinasabing alegasyon na panunuhol sa mga kongresista kapalit ng botong pabor sa Bangsamoro Basic Law (BBL) o Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region (BLBAR) gamit ang salapi mula sa Chinese syndicate leader na si Wang Bo.
Sinabi ni Colmenares, ang Office of the Ombudsman ang best option para magsagawa ng ganitong pagsisiyasat.
Ang kontrobersiyang ito ay nakatakdang imbestigahan ng House committee on good government and public accountability alinsunod sa inihaing resolusyon ni House Speaker Feliciano Belmonte.
Overtime sa BBL debates para maipasa sa June 11
PLANO ng chairman ng ad hoc committee on the Bangsamoro na mag-overtime sa plenary debates para siguruhing maipasa ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Huwebes.
Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, kinausap na niya si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. para umpisahan ang debate sa ganap na 4 p.m. hanggang hatinggabi sa natitirang apat na araw para siguradong maipasa ito sa Hunyo 11.
“I have already discussed that matter with Speaker Belmonte. I told him if we would be able to keep the quorum for the next four days from 4 p.m. to midnight, we would be able to beat the June 11 deadline,” ani Rodriguez. Aniya, hiniling din niya kay Belmonte na kausapin ang 289 mambabatas na dumalo sa nalalabing plenary sessions. Magugunitang nag-umpisa lang ang debate noong Hunyo 2 at lagi itong napuputol dahil sa kakulangan ng quorum.