Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI Anti-Drug Czar Atty. Joel Tovera, Mabuhay ka!

 

00 parehas jimmyKUNG kasipagan lang ang pag-uusapan, isa sa mga hinahangaan ng marami ay si Atty. Joel Tovera hepe ng NBI Anti-Illegal Drugs Unit.

Talagang masigasig sa pagtatrabaho hindi nagpapabaya sa kanyang mandato na sugpuin ang mga taong sangkot sa illegal na droga sa ating bansa.

Isa sa mga may hawak na kaso nila sa kasalukuyan ay ang Pinay drug convict na si Mary Jane Veloso.

Kasama siya sa mga binuo ni Secretary De Lima para bigyang linaw at solusyonan ang kasong ito.

Kaya naman lahat ay gagawin nila para mabigyan linaw ang nasabing high profile case.

Kamakailan may minamanmanan at inaresto silang mga sikat na personalidad na gumagamit ng gamma hydroxybutyric acid (GHB) or liquid ecstasy

Kaya ingat-ingat lang ‘yang mga sikat na personalidad dahil walang sinisino si Atty. Tovera pagdating sa illegal drugs.

Keep up the Good work Atty. Tovera. Mabuhay ka!

***

Patuloy pa rin na maganda ang ipinapakita ni BOC Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno sa kanyang anti-smuggling operations kaya malaki na ang takot ng smugglers ngayon sa Aduana.

Ang mandato niya ngayon ay 100 porsiyentong tulungan si Comm. Bert Lina sa kanyang mga programa laban sa mga nandadaya sa buwis ng gobyerno.

Siya ay tahimik pero nagtatrabahong mabuti para sa ikakaganda ng koleksiyon at ikasasaayos ng sistema sa buong pantalan sa Pilipinas.

Mahusay, matalino, masipag at maka-Diyos.

Si DepComm. Ariel Nepo ay asset ng gobyerno kaya naman sinusuklian niya ang malaking tiwala sa kaniya ng ating Pangulo na tulungan si Comm. Lina sa lahat ng pagbabago at ikagaganda ng takbo ng Aduana.

Mabuhay ka Depcom. Ariel Nepo!

TALAGANG NAPAKASIPAG NI BOC COMM. BERT LINA

Isang taong may puso sa tao at laging tumutulong sa mahihirap, kaya naman pinagpapala siya at laging ginagabayan ng Panginoon kahit anong pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.

Kaya niyang harapin lahat ng batikos sa kanya dahil malinis ang kanyang intensiyon bilang isang serbisyo publiko.

Marami ang hanga sa kanya, bukod sa masipag, matalino ay madali siyang makausap. Kaya ‘yung mga Kritiko ni Comm. Lina, sana naman tumigil na kayo at bigyan siya ng chance para magawa nang tama ang kanyang trabaho bilang Commissioner ng Customs.

Huwag bintang nang bintang ng kung ano-ano na walang pruweba.

Si Comm. Lina ay malinis ang hangarin para sa bansa kaya hindi na niya pinapansin ang mga naninira sa kanya.

Marami siyang kaibigan na sumusuporta sa kanya dahil alam nila na malinis ang kanyang pagkatao.

Palagi siyang may fresh ideas upang masolusyonan ang problema kaya hanga ang marami sa kaniya.

Naniniwala ako na talagang malaki ang magagawa ni Comm. Lina para maayos ang lahat ng hinaing ng broker at importer at sugpuin ang smuggling sa bansa.

Mabuhay ka Comm. Bert Lina!

God bless us all!

PAREHAS – Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …