Friday , November 15 2024

Bakit ipinatawag si Onie Bayona?

CRIME BUSTER LOGOLAST week ay ipinatawag ni ex-Pasay City Mayor Atty. Peewee Trinidad ang pinsan niyang si ex-Pasay Councilor Noel “Onie” Bayona.

Ang pagkikita daw ng mag-pinsan ay naganap sa bahay ni Peewee sa Park Avenue, Pasay City.

Nang panahon na sila ay magkita, nagkataong pumipili na pala si Peewee ng mga pangalan ng kandidato na bibigyan at susuportahan niya para sa 2016 national at local elections.

Ayon sa aking insider, nagulat daw si Onie nang biglang itaas ni Peewee ang isa sa kamay ng dating pulis-Pasay. Sa harapan ng ibang pulitiko, inihayag daw ni Peewee ang kanyang taos pusong pagsuporta sa kandidatura ni Onie sa darating na halalan.Meaning, nakakuha pa rin ng kakampi ang two- terms elected councilor sa Pasay. Hindi pala nag-iisa si Onie.

Sa pagkakaalam ko, balik kandidatong konsehal sa 2nd district ng Pasay ang erpat ni Architect Brian Bayona.

Mga tulisan sa Calabarzon, under surveillance

ANG Region 4-A ay isang rehiyon na maituturing na ‘problem area’ ng PNP  dahil sa dami ng lawbreakers sa bahaging ito ng bansa.

Krimen dito, krimen doon-‘yan ang malungkot na katotohanan  na ‘di natugunan ng ilang regional commander na naitalaga rito.

Ngayon ay may bago na namang  director ang rehiyon na kilala rin sa tawag na Calabarzon area sa katauhan ni Chief Superintendent Richard Albano.

Sa pagkakatalaga kamakailan ni Sec. Mar  Roxas kay Gen. Albano bilang RD ng R4-A, tiyak na titino ang mga ‘halang ang kaluluwa’ diyan sa rehiyon.

Si Gen. Albano  ay isa sa tinatawag na ‘Cream of the Crop’ ng Philippine National Police dahil sa dami ng mga naresolbang malalaking krimen sa mga sensitibong posisyon na kanyang hinawakan.

Kumbaga sa pelikula, blockbuster ang police career ng  heneral dahil sa  matagumpay na pakikipagtunggali sa mga kriminal o sa mga lawless elements.

Siya’y ‘ruthless’ sa mga halang ang kaluluwa, subali’t malambot ang puso  sa kumikilala sa kahalagaan ng  buhay. Napatunayan ito sa panahong siya ang RD sa Quezon City Police District.

Kaya payo natin sa limang PD sa rehiyon,  magpakitang gilas kayo kay ‘Nero Wolfe’ para kayo’y ‘di masibak sa puwesto.

Ang tip natin, galit si general sa droga kaya kayong mga pulis na kumukinsinti sa mga pushers at addicts, magisip-isip na na kayo.

Walang sinasanto si Gen. Banong. Siguradong may pagkakalagyan sila.

Sa nakalipas na ilang linggo, ilang notorious na kriminal na pinaghihinalaang sangkot sa pagnanakaw ng mga sasakyan ang naitumba ng mga operatiba ng PNP-Region 4-A sa magkakahiwalay na lugar sa San Pedro at Binan City, Laguna. Ni-raid na rin ng mga pulis sa bisa ng search warrant ang isang lugar sa Barangay Cuyab sa San Pedro, Laguna na pinaghihinalaang sangkot sa pagnanakaw ng mga nawawalang motorsiklo sa lalawigan ng Calabarzon.

Inaalam ang kalagayan sa barangay

PANAY na ang ikot sa iba’t ibang barangay sa Pasay City ang grupo ng Calixto Team sa pangunguna ni Ricardo “Ding-Taruc” Santos at Mark Calixto.

Ang pag-iikot nila sa iba’t ibang lugar sa Pasay ay wala umanong kinalaman sa maagang pangangampanya o pamumulitika. Inaalam lamang umano nila at nakikipag-ugnayan sila sa mga residente kung ano ang maaaring maitulong ng local government ng Pasay sa kanilang komyunidad. Iyan ay upang maiparating nila kay Mayor Tony Calixto kung ano ang problema sa isang pamayanan.

Anyway, wala namang negative kung ang layunin ng Calixto Team ay para sa bayan.

Wala pang pulitikong lumulutang na maaaring lumaban sa incumbent mayor ng Pasay kay Mayor Calixto.

Mas may tiwala kay Sen. Poe

KUNG inayawan ni Senator Grace Poe na maka-tandem si Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential elections, eh sino ang kukuning bise presidente ng erpat ni Mayor Junjun Binay???

Naku po!!! Saan kukuha ng bise presidente ang erpat ni Mayor Junjun Binay???

VK sa Balayan, Batangas

KAYA daw hindi masugpo-sugpo ang operasyon ng devil machines na Video Karera sa bayan ng Balayan, Batangas ay lespu pa raw ang naglalatag ng mga salot na makina. Ang protector daw ay kilala sa alias na “Jhong,” “Jinggo,” at “Royette.” Si Royette ay bodyguard daw ng isang pulitiko sa Balayan. Ang mga devil machines ay nakalatag daw sa Barangay 1, 7, 9. Aktibo rin daw ang STL jueteng bookies sa Balayan. Sino kaya ang COP sa Balayan???

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *