Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.
MARAMI akong nababasa sa social media na sinisisi ang masa ng mga nakaririwasa’t umano’y may aral kaya nakauupo sa poder ang mga pul-politiko. Dahil daw sa kabobohan at kawalan ng aral ng masa kaya naluluklok sa poder ang mga taong corrupt, bolero at abuso sa kapangyarihan. Dangan daw kasi nabibili ang boto ng masa dahil wala silang prinsipyo at ang tanging bini-bigyang halaga lamang ay kagyat na kaginhawahan.
Ngayon batay sa mga pagbabasa ko, nalaman ko na ang mga nagluklok sa mga pul-politiko, lalo na sa pagiging pangulo ng bansa mula noong 1986 sa panahon ni Corazon Aquino hanggang ngayon sa panahon ng kanyang espesyal na anak na si Benigno Simeon Aquino ay mga may sinasabi sa lipunan o ‘yung “ABC crowd.” Mapapansin na maliban kay dating Pangulong Joseph Estrada, na inihalal ng masa, lahat ng pangulo na napaupo sa Malacañang ay proyekto ng “ABC crowd.” Hindi ang masa ang nagluklok sa mga nasabing pangulo.
Kaugnay naman ng mga lokal na opisyal tulad ng kongresman, gobernador at mayor, lalo na ‘yung mula sa mga probinsya at liblib na kanayunan, ang nagluklok sa kanila ay mga taong may impluwensiya pa rin ngunit sa tulong nang ‘nabibiling D-E crowd.’ Malakas ang pyudalismo o patronage politics at totoong nama-manipula ang masa ng mga panginoong maylupa at tumatayong ‘ninong’ sa mga kagayang lugar.
Dapat maunawaan na ang prioridad sa buhay ng ‘D-E crowd’ ay makaraos sa maghapon. Survival at hindi abstraktong prinsipyo ang mahalaga sa kanila. Ang importante ay ‘yung nga-yon at hindi ‘yung walang kasiguraduhang kinabukasan. Ang P500 hanggang P2,000 na kikitain nila kung ibinenta man nila ang kanilang boto ay pambili na ng pagkain ng kanilang pamilya. Tiyak na ang raos nila. Ngayon masisisi ba natin ang masa kung unahin nila ang kanilang kumakalam na sikmura kaysa pangarap na magandang buhay?
Ang totoo niyan, dapat natin tanungin kung bakit ang mayorya sa ating mga botante ay lugmok sa kahirapan. May ginawa ba ang “ABC crowd” para matulungan ang “D-E crowd” na umahon sa kahirapan? Pansinin na ang ipinagmamalaking paglago ng ekonomiya ng bansa ng kasalukuyang espesyal na administrasyong Aquino ay pinagpapasasaan lamang ng 100 pinakamayayamang pamilya samantala ang 17 milyong pamilyang Filipino ay walang nadaramang ka-ginhawahan mula rito.
Malinaw sa ebidensya, lalo na sa kasalukuyang lagay ng ekonomiya, na walang ginagawa ang ABC crowd para matulungan umahon sa kahirapan ang mga nagbebenta ng kanilang boto. Ngayon magtataka pa ba tayo kung bakit laging naluluklok ang mga di karapatdapat?
* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd., Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang
Magpadala ng mensahe sa https://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.