Friday , November 15 2024

Talamak na droga tutukan, ibalik ang bitay

00 pulis joeyGRABE na ang pagkalat ng bawal na droga sa bansa.

Ito ang pangunahing ugat ngayon ng mga karumal-dumal na krimen.

Mahirap o mayaman, may pinag-aralan o wala, bata o matanda ay nalulong sa bawal na gamot.

May mga professional ngang drug pushers tulad ng teacher, engineer at lawyer.

May mga politiko rin tulad ng barangay chairman, vice mayor at mayor na nagtutulak.

Mayroon din mga religious leader tulad ng pastor.

At ang masaklap pati pulis na silang nagpapatupad ng batas at naghahabol sa mga kriminal ay sila pang nagpapakalat ng bawal na gamot.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), halos lahat na nga ng barangay sa Metro Manila ay may mga nagtutulak ng droga.

Para na nga lang kendi ito kung ibenta sa squatter areas.

Oo, grabe na katalamak ang droga sa ating bansa. Nagiging pugad na ng mga sindikato sa droga ang Pilipinas. Ito’y dahil siguro walang parusang bitay dito sa atin at naaayos pa ang mga awtoridad kapag corrupt ang mga nakahuhuli o may hawak ng kaso.

Tapos kung ma-convict man ang drug pusher o drug lord, patuloy pa rin nakapagtatransaksiyon sa labas kahit pa sa loob ng maximum prison ito, dahil sa gadgets tulad ng celfone at laptop, at nagiging mas safe pa sila. Kung mabuking man, doon pa rin naman sila babagsak. Kasi nga wala naman parusang bitay.

Sa ibang bansa kasi ay masyadong malupit ang batas laban sa ilegal na droga: Firing squad, pugot ulo o bigti ang parusa.  Kaya naman ang mga sindikato ay takot doon kaya dito sila sa ating bansa nagnenegosyo ngayon.

Kaya dapat na talagang ibalik ang bitay!!!

Sa Dulag, Leyte masyado nang talamak ang shabu!

– Kuya Joey, dito po sa amin sa Dulag, Leyte, sa Barangay Combis, ay masyado na pong talamak.  Kelan pa po ito masusugpo? Pati nga po may katungkulan sa barangay mismo ang gumagamit at nagbebenta. Paano pa ito masusugpo? Sana po gamitan na talaga ng kamay na bakal. Paano pa ang mga kabataan na maging biktima ng mga adik sa droga. Salamat po. – Concerned citizen ng Brgy. Combis, Dulag, Leyte

Shabu tiangge sa Ususan, Taguig City

– Mr. Venancio, may shabu tiangge po dito sa 13 Kalayaan st., Ususan, Taguig City. Wala po silbi ang mga Pulis Taguig at pati ang kapitan ng barangay namin dito ay walang ginagawa, kasi mga kamag-anak ng tserman ang mga nagtutulak dito. Mga kilalang tulak dito sila “Jun” at “Mac”c. Sana paaksiyunan naman ito ng aming mayora na si Cayetano. – Concerned citizen

Pulis ng anti-drugs ang nagbabagsak ng shabu sa buong Pasay

– Nais ko po iparating sa hepe laluna sa mayor ng Pasay City na ang nagbabagsak ng droga sa halos buong lungsod ay pulis din ng anti-drugs (DEU) sa Pasay City Hall. Kapag hindi nakaba-yad sa kanya ang mga pinabebenta niya ng shabu ay ipahuhuli niya sa kanyang mga kasama-han at papatungan ng shabu. Ganyan po kawalanghiya ang pulis na ito. Salot po ang pulis na ito! Siya po si “HN”. – Concerned citizen

Bentahan ng shabu sa Sampaloc, Maynila

– Joey, grabe na po ang bigayan ng droga dito sa Cebu, Roxas at Panay corner Visayan Avenue, Sampaloc, Manila. Ang tulak po dito ay nagngangalang “Bombet”. Sana mahuli na ang taong ito. Masyado na pong perwisyo ito dito sa lugar namin eh. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *