Tuesday , November 19 2024

Welcome back Customs Commissioner Bert Lina!

Bert LinaNITONG nakaraang Abril 24, araw ng Biyernes, opisyal nang umupo bilang Commissioner ng Bureau of Customs (BoC) si Mr. Albert Lina.

Ito ang ikalawang pagkakataon na magiging Commissioner ng BoC si Mr. Lina na naunang umupo noong 2005, panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ngayon, mayroong natitirang 12 buwan o isang taon si Commissioner Lina para ‘baliktarin’ ang reputasyon ng BoC.

Pero sabi nga ni Commissioner sa kanyang pakikipagpulong sa business staff ng isang pahayagan, masyadong “unfair” ang hindi magandang reputasyon ng BoC sa publiko.

Sabi niya, maraming mabubuting tao sa loob ng BoC.

Naniniwala rin siya na ‘yung mabubuting tao na ‘yun ang makatutulong sa kanya para maabot ang target collections para sa 2015.

Nitong 2014, umabot ang koleksiyon ng Customs sa P369.31 bilyones pero kapos pa rin ito sa goal na P408.10 bilyon na itinakda ng pamahalaan.

Sa kasalukuyang taon (2015), naitaas ng BoC ang kanilang koleksiyon nang mahigit sa 23 percent para maabot nila ang target na P456.468 bilyon.

Naniniwala si Commissioner Lina na sa pamamagitan ng pagpapatuloy niya sa repormang inumpisahan ng pinalitan niyang si dating Commissioner John Philip Sevilla at pagsusulong na gawing exempted ang BoC sa Salary Standardization Law (SSL) ay makatutulong nang malaki sa isusulong niyang reporma.

Kung tataasan umano ang suweldo ng mga Customs personnel tiyak na makapagtatrabaho sila nang maayos.

Sabi nga ni Commissioner Lina, hindi usapin kung halos isang taon na lang ang magiging panunungkulan niya sa BoC.

Aniya, ang BoC ay proseso ng isang kabuuang gawain, pero gaya umano sa basketball, maraming puwedeng mangyari sa loob ng dalawang minuto.

‘Yun bang tipong diskarteng last two-minutes?!

Well said, Commissioner!

Bagama’t marami ang nagtatanong kung bakit bigla mong ipinadala sa Customs Policy Research Office (CPRO) ang abogadong nag-iimbestiga sa isa mong kompanya, naniniwala pa rin ang mas marami na mayroon kang maliwanag na dahilan.

Iisa lang ang ibig sabihin n’yan, nasa Customs ka na nga!

Welcome back, Commissioner Lina!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *