Sunday , December 29 2024

Maraming salamat sa P13-B classrooms project ng PAGCOR (Mabuhay ka Chairman Bong Naguiat!)

042915 pagcor naguiat

UMABOT na nga sa P13 bilyones ang nailaang pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III para sa pagpapagawa ng classrooms sa mga public school lalo na roon sa malalayong lugar o probinsiya sa buong bansa.

Ang nasabing proyekto ay kongkretong tugon sa programa ng Department of Education (DepEd) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa katunayan, nang i-release ang P3 bilyong karagdagang pondo ay kasabay nito ang inagurasyon ng dalawang bagong school buildings ng Tarlac High School sa Tarlac City na sinaksihan mismo ng Pangulo.

Mukhang sa ilalim ng “Daang Matuwid,” ang PAGCOR ang isa sa mga ahensiyang nakapagde-deliver nang maayos na serbisyo sa mamamayan.

Napakalaking tulong para sa mga kabataan natin sa malalayong lugar at probinsiya ang magkaroon ng silid-aralan para maging komportable sila sa kanilang pag-aaral.

Tiniyak ni Pagcor Chair & CEO Cristino Naguiat Jr., na ang karagdagang pondo ay makatutulong nang malaki para sa mga karagdagang silid-aralan sa malalayong lugar sa ating bansa.

Limang taon na mula nang simulan ng PAGCOR ang nasabing proyekto na tanging guideline ang utos ng Pangulo na tumulong para resolbahin ang batayang suliranin sa sektor ng edukasyon gaya nga ng kakulangan sa mga silid-aralan.

Ayon mismo kay Naguiat, ang P10-bilyon alokasyon na inilaan ng PAGCOR sa nasabing proyekto ay pinakamalaki sa kasaysayan ng ahensiya.

Sa ilalim ng programa, ang DepEd ang tutukoy sa mga public schools at ang DPWH ang magtatayo ng classrooms.

Sa 4,000 classrooms na naitayo na sa inisyal na P7-bilyon pondo, 1,124 rooms sa 230 sites ang kompleto na habang ang iba ay nasa proseo ng konstruksiyon.

Ito ay matatagpuan sa Tawi-Tawi, Sultan Kudarat, Cotabato, Lanao del Sur, Catanduanes, Palawan, Bukidnon, Masbate, Compostela Valley at Bogo City; at Bantayan Island in Cebu.

Umabot na rin sa 1,300 typhoon-resistant classrooms ang naitayo sa mahigit 300 sites na sinalanta ng daluyong na Yolanda. Nagkakahalaga ng P1.6 milyones ang bawat classroom. Mas magastos ito kaysa mga tipikal na silid-aralan dahil typhoon resistant nga.

Bukod sa pagiging typhoon resistant, magastos din umano ang transportasyon ng mga construction materials sa malalayong lugar.

Sa kabila nito, natutuwa ang PAGCOR dahil ang disenyo ng kanilang mga silid-aralan ay mas maluwag. Mataas ang kisame at itinaas rin ang estruktura para huwag abutin ng baha. Bawat silid-aralan ay may 60-estudyanteng kapasidad.

Mabuhay ka, Chairman Bong Naguiat — isa ka sa maipagmamalaking “performing asset” ni Pangulong Noynoy!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *