Promoter na japok estapador at binubukulan ang agency
Jerry Yap
April 28, 2015
Opinion
ISANG Japanese promoter ang inirereklamo ng mga na-estafa niyang babae matapos kuhaan ng salapi ang mga babaeng nag-a-apply ng trabaho sa Japan.
Kakaiba ang raket nitong Japanese promoter na kung tawagin ay Hitomi Kunimoto.
Bukod kasi sa panghihingi ng pera sa mga babae para maiproseso ang kanilang mga dokumento ‘e hinaharang pa niya ang mga hindi niya kursunadang paalisin.
Kahit na kuwalipikado at ayos na ang dokumento ng mga lady applicant, aba ‘e pilit niya talagang haharangin.
Dahil hindi nakaaalis, marami tuloy mga applicant ang naba-baon sa utang. Aba ‘e hindi rin biro ang gastos sa pag-a-apply ng VISA sa Japanese Embassy.
Lahat nga ng pagko-comply sa mga requirement ay ginagawa ng mga applicant pagkatapos bigla na lang haharangin ni KUTO este Kunimoto ang klanilang aplikasyon?!
SONABAGAN!
Nanawagan ang mga lady applicant na hinaharang ni KUTO ‘este mali na naman, KUNIMOTO sa kanilang agency na Aquim International Inc., na matatagpuan d’yan sa 4K Plaza Bldg., Shaw Blvd., Pasig City na imbestigahan ang ginagawang panghaharang sa kanilang aplikasyon.
Napapalusutan ni KUTO este Kunimoto ang agency at nasasa-lisihan ng mga gusto niyang paalisin?!
Sa anong dahilan?!
Mukhang may sariling DISKARTE si Kuto ‘este Kunimoto. At tila nabubukulan ang agency sa diskarte niyang ito.
Paging POEA! Paging OWWA! Paging DOLE!
Pakibusisi ang raket ng Japanese Promoter na si Kuto este Kunimoto na nagpapakilalang representative ng Career Corporation Inc.
Winawalanghiya ni KUTO ‘este Kunimoto ang mga Pinay applicant sa kanilang agency.
Again, paging POEA! Paging OWWA! Paging DOLE!
Ang bastos at aroganteng land bank YMCA branch employee
GOOD Day po sir, gusto ko lang po sana mag-complaint laban sa isang empleyado ng landbank na nagngangalang “Ros” ng Manila YMCA Branch. Isa po akong empleyado ng Manila City Hall na naka-detail sa Manila Boys Town na matatagpuan sa Marikina mahigit isang taon na.
April 13, 2015 dakong 9 am, nagpunta po ako sa landbank para mag-update ng aking account sapagkat nais ko po sanang maka-avail ng “LOAN” na aking gagamitin sa pagpapa-enrol ng aking anak. ‘Pag tawag po ng aking numero, agad naman po akong binig-yan ng unang babae ng form na akong pi-fill-up-an. Hiningan po nila ako ng 2 valid ID at iprenisenta ko po at ipina-xerox ang aking EMPLOYEE ID at ang ATM ID kung saan dumaraan ang aking suweldo galing sa LANDBANK. Hiningan din po nila ako ng MARRIAGE CERTIFICATE at ibinigay ko naman po ang xerox nito. Nang makita po ng babae ang aking xerox i.d. sabi nya “NAKU MAM, HINDI PO ‘ATA PWEDE ITO.”
Nagdududang pagkasabi niya sa akin habang nakaturo ang mga daliri sa pangalan ni MAYOR ALFREDO LIM na siyang nakapirma sa aking EMPLOYEE ID. “Sandali lang po ha.” Lumapit sa unang counter na may naka-lagay na “VERIFIER.” Nang bumalik ang babae ay kasama na niya ang lalaki at ang lalaki na po ang nakipag-usap sa akin. “Miss baka may ibang ID PO KAYO D’YAN,” sabi ng lalaki na may name plate na “ROS.” “Naku SIR, pasensiya na po kayo, ‘yan lang po kc ang ID na meron ako. Bakit po? Ano po bang problema sa ID ko?” tanong ko po sa kanya. “HINDI KC NAMIN TINATANGGAP ‘YAN DAHIL IBANG MAYOR ANG NAKAPIRMA JAN E, WALA NA ‘YAN! KUMUHA MUNA KAYO NG ID NI ERAP!” Nakangisi at tila nang-iinsultong sabi sa akin. “E paano po ‘yun Sir hndi naman po ako inisyuhan ng opisina namin ng ID ni Erap,” sagot ko sa kanya. “E HINDI NGA PUWEDE ‘YAN EXPIRED NA ‘YANG NAKAPIRMA,” giit niya habang nakaturo sa pangalan ni Mayor Lim. Nagulat po ako sa sagot niya at ang sabi ko, “Teka lang po sir, ISSUE po ba un? Hindi po ba sapat na ako ay isang permanenteng empleyado at dto sa inyo dumaraan ang aking suweldo?” katwiran ko po sa kanya. Sa ma-daling salita, un po ang aming napagtalunan, hanggang makarating po kami sa branch manager at agad naman pong umaksyon ang nasabing branch manager. Na-update rin po nila ang aking account that day. Bago po ako umalis ng LANDBANK narinig ko pa pong sinabi ni sir ROS na “Aaahh Valerie Sy pala pangalan n’yanm,” na tila nagbabanta. ‘Yung mga sumunod na linggo hndi pa rin ako naaprubahan ng banko sa loan ko. EVERYWEEK ibinabalik ‘daw’ po nla ang papel ko sa opisina dahil may mga mali hanggang umabot na ng tatlong linggo mula nang ako po ay nag- update ng aking account. Ngayon nga po ay muli na naman nilang ibinalik ang aking papel, dahil daw po may mali na naman at sa pagkakataong ito ang mali daw po ay may PERIOD daw po akong naituldok sa aking MIDDLE NAME! Nakapapanting po ng tenga at nakakabwisit na dahilan hnd po ba? Kahit ayaw ko pong isiping nananadya na lang para tumagal ang LOAN APPLICATION ko. Sa pagkakataon pong ito, HINDI na po ako INTERESADO sa LOAN ko, ang nais ko lamang po ay MABIGYAN ng KAUKULANG PANSIN ang aking REKLAMO kay GINOONG ROS ng LANDBANK YMCA BRANCH. Hanggang ngayon po kc naiisip ko po ‘yung dahilan niya kung bakit INVALID ang sinasabi niyang ID ko gayong ang kanilang BUSINESS PERMIT na NAKASABIT HANGGANG NGAYON, ay PIRMADO at MAY MUKA ni MAYOR ALFREDO LIM!
Kung INVALID po ang aking ID, INVALID DIN PO ang KANILANG BUSINESS PERMIT! ——@yahoo.com
Rehimen ng kahangalan ni PNoy
Paglilingkod na kahangalan din talaga ang naitaguyod nitong rehimen na ito, busabos pa rin tayo sa mga katarugan at tunay na pagbabago kamot betlog pa rin ang kanyang gawain. Katropa Donald ng Tondo
#+63919665 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com