Thursday , December 26 2024

“Gunners” sa Solaire Casino iginigisa sa sariling mantika si Razon

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI namamalayan ni businessman tycoon Enrique Razon, na siya pala ay mayroong mga kasosyo sa Solaire Casino na ang puhunan ay LAWAY lang!

Marami nang playing customer ang nagtataka kung bakit napakahigpit sa kanila ng mga Solaire security personnel gayong sila ang lehitimong nagpapasok ng kita sa Solaire Casino.

Ayon nga sa kasabihan, mabubutas ang bulsa ng milyonaryo pero hindi tataob ang bangka ng Casino.

Kaya, ano ang ikinatatakot ng mga security personnel sa playing customers?!

Baliktad na baliktad nga raw ang sistema rito sa Solaire. Ang mga playing customer ay ibina-BAN sa konting problema lang.

Pero maluwag na pinapapasok ng security personnel ‘yung mga ‘naghahanapbuhay’ sa Casino — sila ‘yung kung tawagin ay GUNNER, mga dating JUGING (amuyong) na naging bihasa sa larong Baccarat.

Sila ‘yung mga pinaglalaro ng mga player at kumukuha ng 20 porsiyento sa panalo. Dahil hindi nga nila pera ang ginagamit sa ‘paglalaro’ kaya kung tumaya ay sagad-sagad para sa malaking halaga ng kuwarta na kikitain nila.

Galing lang sa Baccarat ‘e nagkakamal na ng pera. Hindi pa ‘yan, may mga libreng hotel room pa ang mga hinayupak. Kahit itanong pa ninyo kay Solaire BD Allan Ong.

Isa sa mga sikat na sikat na ‘GUNNER’ ngayon sa Solaire Casino ang isang alyas MIKE (ban sa Resorts World Casino) na tumama pa nang dalawang beses na JACKPOT sa slot machine.

Sonabagan!!!

Pinagkakitaan na si Razon, tinangayan pa ng P45 milyones sa slot machine?!

Nakalulusot o pinalulusot ba ng security personnel ‘yang mga GUNNER, Mr. Razon?

Habang maaga pa ‘e paimbestigahan n’yo na rin ang isang security personnel na kung tawagin ay alyas BEN G. ULIKBA na tinatakot pa raw ang mga financer kapag sinisingil ang alaga niyang player.

Mukhang maraming milagrong nangyayari sa casino mo Mr. Razon na hindi naiireport ng trusted mong security officer!?

Pinagtatawanan ka lang ng mga ‘gunner’ sa casino mo!

From CA to IO2 unbelievable sa BI! (Attention: SOJ Leila de Lima)

BALIK tayo sa issue ng hiring & promotion sa Bureau of Immigration (BI).

Isa sa pinagpuputok ng butse ng mga BI employees ay ang promotion sa isang Cathryn Albie Santos na na-hire from CA (contractual employee) na naging Immigration Officer-II agad-agad.

Inuulit ko from CA to IO-II!

Ano bang special skills niya para maging IO-II agad?

May Master’s Degree ba siya sa Harvard or sa Oxford at ganoon na lang sila kabilib?

Maraming magagaling at itinaya pa ang buhay sa serbisyo na mga Immigration Officer-1 sa Bureau pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin IO-1. Masyado namang nakade-demoralize sa Immigration Officers ang ganyang sistema!

Magkano ‘este, ano ba talaga ang naging basehan n’yo sa pagde-deliberate, BI Comm. Fred Mison?

Ito ba ay na-review mo nang mabuti o nawalan ka na talaga ng focus dahil sa lovelife mo ngayon?

Anak ng tipaklong talaga!

Ipinagtanong-tanong ko rin ang karakas nitong si Cathryn Albie a.k.a. “Pards” Santos. Masyado raw mayabang, maangas at pasaway ang lalaki ‘este babaeng ito?

Siya ba ‘yung natitsismis na very, very close kay Ms. Booba noon?

Dati raw naka-assign sa BI anti-fraud section si “pards” este Santos pero agad na-badshot sa dati niyang hepe na si Maan Lapid dahil kilala ngang tamad at akala mo kung sino kung umasta. Ganoon din daw ang problema sa kanya ng kasalukuyang niyang hepe na si Marivic Beltrano.

May sarili raw schedule at nagde-day-off kung kailan niya gusto?!

Aba ‘e pasaway nga!?

Mababa rin daw ang performance rating nito kaya kataka-taka talaga na na-promote pa!

Tumalon sa pagiging IO-II pa talaga!

Madame SOJ Leila De Lima, paano nakalusot sa inyo ang ganitong klaseng promotion?

Paki-review nga ho ulit kung ano ang naging basehan ng promotion ni Santos!

Manila Tara ‘este’ Tricycle Regulations Office

Sandamakmak na naman na reklamo ang ipinarating sa atin, sa talamak na kotongan at taryahan sa mga tricycle, pedicab, kuliglig drivers ng mga tulisan ‘este tauhan ng MANILA TARA ‘este TRICYCLE REGULATIONS OFFICE (MTRO).

Ayon sa pobreng drivers, P50 pesos ang regular na tara o hatag kada isang tricycle o kuliglig sa MTRO.

 Gaya ng ilang pilahan sa Tondo, Maynila na nagbibigay ng P50 ang bawat drayber tuwing Biyernes.

Kung titingnan ay parang maliit na halaga ang P50 pero malaking perhuwisyo sa mga maralitang driver. Diyan lang sa Parola at Permanent Housing ay mahigit 300 ang mga tricycle na pumipila sa nasabing lugar.

Kung sa P50 x 300 ‘e magkano ho ba ang suma-total n’yan Yorme Erap, sir?

Sa isang pilahan pa lang ho ‘yan!

Paano kung pagsamasamahin natin ang lahat ng mga PILAHAN sa kamaynilaan ‘e tiyak aabot nang daang libo ang nakokotong diyan ‘di ho ba Mayor Erap!?

‘Eto pa ang matindi, parang mga asong ulol daw ang dalawang grupo riyan sa MTRO na nag-uunahan ng pangongolektong sa kanila pagdating ng Biyernes.

Isang grupo na kulay ORANGE cum KALAWANG at ang isang grupo naman ay kulay BUGHAW cum MAYABANG.

Isang alyas BUBOY BUGOY daw ang para sa kulay kalawang at isang alyas REY PALKU naman ang para sa tropang bughaw na nagpapakilalang bagman ng MTRO.

Ang masaklap sa Manila tricycle drivers,  pinapasok pa nila ang mga dayong tricycle mula sa Navotas, Caloocan, QC at Makati basta may hatag sa kanila.

Sonabagan!

Ito ba ang ipinagmamalaki ninyong pagbabago sa Maynila!?

Pwe!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *