Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Congratulations PCSO new chair Ayong Maliksi (PCSO ads dapat busisiin)

00 Bulabugin jerry yap jsy

NAIS nating batiin ang bagong chairman ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman na si dating Cavite governor Erineo “Ayong” Maliksi.

Kumbaga, talagang nakahabol pa sa finish line dahil isang taon na lang halos ang administrasyon ni Pangulong Noynoy.

Malamang ‘e ma-miss ng mga slot machine sa Solaire si Chairman Ayong!?

Matagal rin namang naging officer-in-charge si PCSO President, Ferdinand “Joy” Rojas bago napagdesisyonan ng Palasyo na opisyal nang italaga si ex-Gov. Ayong sa posisyong iniwan ni Madam Margie Juico.

Siya yata ang unang politiko na na-appoint sa PCSO.

Anyway, huwag na natin balikan ang masalimuot na kuwento kung bakit nagdesisyon si Madam Margie na magbitiw o magretiro na sa gobyerno, hindi po ba Archbishop Oscar Cruz?

Ngayong naririyan na si Chairman Ayong, na talaga namang napakaliksi, imumungkahi lang natin na una niyang busisiin ang milyon-milyones na ginagastos ng PCSO sa mga advertisement placement nila sa print lalo na sa radio.

Kung tutuusin hindi naman na kailangan ‘yan dahil ito ay government agency.

Mas maraming dapat paglaanan ng pondo lalo na ‘yung mga kababayan natin na mayroong problema sa kalusugan at kailangang-kailangan ng tulong.

Kung kaya namang bawasan ‘yang milyon-milyones na ginagastos ng PCSO sa mga ads placement ‘e bawasan na.

At seryoso tayo sa pagbibigay ng babala kay Chairman Ayong dahil baka sa pagtatapos ng termino ni PNoy ‘e d’yan pa siya masilat.

Busisiin lang niya ‘yang mga ads placement na ‘yan, t’yak mayroon siyang maaamoy na malalang iregularidad.

Muli, congratulations Chairman Ayong and good luck po sa inyong bagong pagkakaabalahan.

BuCor CHIEF FRANKLIN BUCAYU TULOG NANG TULOG SA PANSITAN?!

HINDi natin alam kung ano talaga ang nangyayari kay Bureau of Correction (BuCor) chief, Gen. Franklin Bucayu?!

Naririyan pa ba siya sa BuCor?

Alam pa ba niya kung ano ang nangyayari sa teritoryo niya?! At alam rin kaya niya kung ilang kulungan ang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga?!

Aba ‘e mantakin naman ninyo, isang convicted drug lord na nakakulong sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro e nakalalabas at may escort pang jail guard para makipag-deal sa bentahan ng droga?!

Anak ng Bilibid naman talaga, oo!

Sablay na sablay ka na riyan, Gen. Bucayu! Tablan ka na kaya ng hiya ngayon?!

Para talagang natutulog ka lang sa pansitan kasi tuwing may nangyayaring hindi maganda riyan sa mga kulungan na nasa iallim ng iyong pamamahala ‘e parang nabubulaga at nagugulat ka pa.

‘E ano ba talaga ang pinagkakaabalahan mo General Bucayu?!

Kaya mo pa ba talaga ‘yang trabaho bilang BuCor chief?!

‘E bukayong-bukayo ka na!

Aba’y magkusa ka nang umalis diyan para hindi ka laging napapahiya sa Pangulo natin?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …