Friday , December 27 2024

Bakit nga ba sa Guian E. Samar at hindi sa Tacloban ginunita ang Yolanda?

110814 kubo guiuanKAHAPON pa lang ay marami na ang nang-uurot ‘este’ nagtatanong kung bakit sa Guian Eastern Samar at hindi sa Tacloban Leyte inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III ang development ng rehabilitation program, bilang paggunita sa unang taon ng pananalanta ng daluyong na Yolanda.

Siguro ay hindi pa kayang makipag-rubbing elbows ni PNoy sa mga Romualdez.

At ‘yan ay inirerespeto natin.

Ang Guian, na nasa paanan ng San Juanico Bridge ay isa sa mga ma-tinding nasalanta ng daluyong na Yolanda. Ganoon din ang Iloilo, Capiz at Roxas sa Region VI at ang Coron sa Palawan. At siyempre ang Tacloban, na naging sentro ng local at international media.

Sa kanyang talumpati, pangunahing pinagtuunan ng Pangulo ang paliwanag kung bakit ‘atrasado’ ang pagpapatupad ng rehabilitasyon sa nasabing mga probinsiya.

Sa paglilinis pa lamang, mula sa recovery ng mga bangkay, pagtatanggal ng mga debris ay inabot na ng kung ilang buwan.

Maraming dumating na tulong mula sa ibang kababayan natin at mula sa ibang bansa para sa mga nasalanta.

In kind (goods & commodities) and financial assistance pero ‘yung mga goods and commodities ay hindi agad nakarating dahil sarado at barado nga ang maraming kalsada.

Ayon pa rin sa talumpati ng Pangulo hanggang sa kasalukuyan ay nakatuon ang kanyang buong team para sa rehabilitasyon na sabi nga ‘e hindi lang 10 taon aabutin.

Maraming gusali ang nagiba, maraming institusyon at paaralan ang nasalanta at higit sa lahat maraming kababayan natin ang nawalan ng tahanan.

Hanggang sa kasalukuyan, ayon sa Pangulo ay naghahanap pa ng pondo ang pamahalaan para d’yan.

Oo nga pala, pwede rin kayang malaman kung saan ginamit ng ilang TV giant networks at mga NGO ang kanilang mga na-solicit na milyon-milyon para sa mga biktima ng Yolanda?

Anyway, alam natin na mahirap tanggapin ‘yan para sa kababayan nating nasalanta na karamihan nga sa kanila ay sa tent lamang nakatira.

Nakatulong din nang malaki ang initiative ng ibang institusyon at organisayon gaya ng TZU CHI Foundation na nagtayo ng mga tirahan, classroom at nagbigay pa ng trabaho sa mga biktima.

Alam natin na matagal at mahirap makaahon ang isang komunidad na nadaraanan ng ganitong kalamidad…hindi pa natin nalilimutan ang mga nakaraang lindol, lahar, flash floods sa iba’t ibang lugar sa bansa na maraming kababayan natin ang nagbuwis ng buhay, pero sabi nga sa pagtutulu-ngan at pagkakaisa ay mairaraos din ‘yan.

Hangad lang natin na maging tampok ang programang rehabilitasyon ng pamahalaan para sa mga biktima …

Gawin sana ng mga opisyal ang kanilang tungkulin para sa ‘mabilis’ na recovery ng mga nasalanta ng Yolanda …

Huwag sana silang malulong agad sa eleksi-yon sa 2016.

‘Yun lang po.

NAIA news photog untimely death due to stress brought by APD non-sense case

IT was 7:00 in the evening last October 18 (Saturday) when our colleague, veteran photojournalist JULIE FABROA of Manila Standard Today and presently one of the two stringer of GMA 7 assigned at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) was rushed to San Juan De Dios Hospital along Roxas Boulevard in Pasay City.

Matindi ang atake (aneurysm) na tumama kay Ka Julie na naging dahilan ng kanyang hindi ina-asahang pagkamatay.

Sa pahayag ng ilang kaibigan natin sa NAIA T-1, hawak at binabasa ni Ka Julie ang Summary Investigation Report na nilagdaan nina Major Melchor Delos Santos, manager of Intelligence and Investigation Division; retired Senior Supt. Donardo Torres, manager of Intelligence & ID/Pass Control Department at retired Gen. Vicente Guerzon, Jr., OIC, Office of the Asst. General Manager for Security and Emergency Services nang biglang ma-stroke at mag-collapse sa tanggapan ng Airport Police Department -Falcon Base, Departure Area ng NAIA Terminal 1.

Ang nasabing kaso ni Julie ay iniharap ni Airport Police Cpl. RAMOS dahil sa paglabag sa anti-vending law sa paglalako umano ng mga sim/cell load/cards sa arrival area.

Ang matindi rito, ang nasabing Airport police ay siya rin nagsagawa ng imbestigasyon at nagpataw noon ng one-week suspension kay Ka Julie.

Siya rin ang gumawa ng nasabing summary report na ayon kay Ka Julie ay hindi man lang siya isinailalim sa patas na imbestigasyon o due process.

O kaya ay mayroon man lang kumuha ng kanyang panig.  Ang naging resulta nito, suspensiyon na lamang ng kanyang access pass sa airport) ang kanyang nahawakan.

Sana’y binigyan ng pagkakataon ng mga awtoridad na makuha ang panig ni Ka Julie bago inilabas ang Summary Investigation Report.

Dahil sa ginawa ng mga awtoridad ay isang buhay ang biglang nawala. Maraming buhay ang nagdurusa at naapektohan ngayon.

For your information Cpl. Ramos, S/Supt. Torres, Major Melchora ‘este’ Melchor Delos Santos at Gen. Guerzon, si Ka Julie sa edad na 61-anyos ay nagtataglay ng maseselang karamdaman at may colostomy bag na nakakabit pa sa kaniyang tagiliran.

Nag-iisang breadwinner din si Ka Julie ng kaniyang mga anak at mga apo.

Kung kayo kaya ang kamag-anak ni Ka Julie, ano kaya ang mararamdaman ninyo ngayon?

(May kasunod bukas)

Paihi ni Boyoy sa Candelaria Quezon (ATTN: NBI-Quezon & CIDG Pro-4)

TALAMAK ang bawasan ng krudo, gasolina, Jet A gasoline at LPG ng grupo ni Boyoy sa mga tanker na nanggagaling mula sa dalawang oil refinery sa lalawigan ng Batangas na ang paihi, burikian ay matatagpuan sa Barangay Catalina Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Ipinagyayabang ng grupo ni Boyoy na nagbibigay daw siya ng ‘padulas’ sa mga awtoridad mula sa local at sa national. Dapat kumilos rito ang Department of Energy (DOE) sa lalong ma-daling panahon at ipabuwag sa NBI at CIDG ang raket na pagnanakaw ni Boyoy!

Pergalan sa Pampanga, Zambales, SBMA at La Union (ATTN: PNP Pro3 & Pro1 Bagman)

SA POBLACION ng Arayat, Pampanga, isang buwan nang pinagloloko ng mga imbitadong peryantes ni Rading ang mga manunugal-mananaya sa itinayo niyang perya-galan na may mga lamesa ng color games, dice, pula’t puti (card games), drop balls na ilang hakbang lang ang layo sa public market at sa paaralan.

Sa Barangay Sto. Niño sa Plaridel, Bulacan, pinagloloko rin ng mga kasabwat na peryantes ni Lourdez Tomboy ang mga manunugal sa nasabing bayan. Sa Barangay Calapandayan, Zambales, tapat ng gateway sina Benny at Lim ang kinikilalang mga hari ng pergalan. Ang crooked gambling na pergalan sa SBMA sa Olongapo City, sina Nardo, alias “Putik” at Rik, alias “Kiros” ang maintainer-financiers. Sa Brgy. Pa-ringao sa Bauan, La Union si Philip ang poste-bantay ng mesa ng color games.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *