ISANG impormasyon ang ipinaabot sa inyong lingkod hinggil sa muling pagbubukas ng XTV KTV Bar d’yan nakatago sa likod ng Hobbies sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Kung hindi po tayo nagkakamali, ito ‘yung KTV bar na dati nang ni-raid ng Pasay City police dahil nag-o-operate na walang business permit at at nahulihan pa ng Chinese prostitute. Pero sa hindi malamang dahilan ‘e hindi na raw nakarating sa presinto ‘yung mga Chinese prostitute at naglaho na lang bigla.
Sa muling pagbubukas ng XTV KTV Bar, balik na naman sa dating gawi ang kanilang operasyon.
Ibig sabihin naririyan na naman ang mga Chinese prostitute. At hindi lang Chinese prostitutes, may sugalan (mah-jong) sa loob, tambayan din umano ng mga hinihinalang miyembro ng Chinese drug syndicate.
Ibig sabihin, malaki rin ang posibilidad na mayroong nagaganap na shabu trading sa nasabing KTV Bar.
Paging PDEA chief, Director general Arthur Cacdac!
Paging DOJ-IACAT!
Paki-check lang ang XTV KTV Bar na ‘yan sa Macapagal Blvd.!
Excuse me Mr. Che Borromeo, bagman mo ba si alias Nap?
ISANG nagsisiga-sigaan at nagpapakilalang katiwaldas ‘este katiwala raw ng natalong Konsehal na si LECHE ‘este CHE BORROMEO ng TASK FORCE ORGANIZED VENDING (TFOV) ang lubhang iniiyak at inirereklamo ng maralitang vendors sa Maynila.
Take note Yorme Erap dahil issue po ito ng maralitang vendors!
Hindi lang mga vendors sa Divisoria ang kinokolektong ni alias Nap maging sa Carriedo Quiapo, Blumentritt at Trabajo market ay ikot na ikot n’ya!?
Ang siste, isinasabay nitong si alias Nap ang mga tara y tangga sa mga vendors sa singil sa mga tent vendors.
P120-160 kada pobreng vendors ang sinisingil ni alias Naputsa ‘este’ Nap. Ito ba ay pumapasok sa kaban ng Maynila o sa bulsa ng amo niya!?
Pati ang mga huling nilagyan ng kubo/tent at cage/hawla na mga vendors sa A. Rivera St., ay hindi pinatawad ni alias Nap. Lumampas ka lang nang konti sa hawla ‘e sapol ka tiyak kay bagman Nap!
Naputsa ka talaga Nap!!!
Ang diskarte ng walanghiyang Nap ay doble-tara sa taryang P200-P300 kada vendor.
Ang nakadedesmaya pati raw ang Trabajo market na dating tahimik ay kinokotongan na rin ni alias Nap.
Ex-Konsuhol ‘este mali Konsehal Che Borromeo, may basbas mo ba ang pangongolektong ni alias Nap sa mga vendor!?
Paki-explain nga ‘ho!
APD Alvin Borero, Joyce Velunta tumangging sangkot sa human trafficking
SA ngalan ng patas na pamamahayag, nais natin ibahagi sa inyo ang paliwanag ng dalawang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) na sina Airport Police Alvin Borero at Joyce Velunta na itinuturong sangkot sa human trafficking sa NInoy Aquino International Airport (NAIA).
Ngayon nga, habang pinaghahanap ng Bureau ng Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI) si Annaly Soriano, ang secretary sa AGM-SES na itinurong promotor ng tangkang pagpuslit ng apat na babaeng pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ‘e nowhere to be found na pala siya.
Pati ang kanyang Facebook account ay biglang ini-deactivate!
Matapos ang insidente nitong Oktubre 25, agad umanong nag-AWOL si Ms. Annaly. Kaya nang puntahan ng mga awtoridad ang kanyang bahay — negative as in cannot be located na siya.
Kumbaga, after the ‘timbog’ incident, mabilis na nag-evaporate si Ms. Annaly.
‘E how about Alvin and Joyce.
Meron pong paliwanag ang dalawa. Unang-una super-deny sila na hindi sila sangkot sa nasabing insidente (HUMAN TRAFFICKING).
Ayon kay Alvin, ginamit lang ang pangalan niya sa nasabing request at hindi niya kilala, ni isa man sa apat na pasahero at noong Oktubre 25, siya ay nasa isang theme park sa Laguna kasama ang kanyang pamilya.
Ganoon ba Mr. Bolero ‘este’ Borero!? E ang pagkakaalam ko kapag nag-request ng OB pass ay kailangan pirmado ang request slip ‘di ba!?
Si Ms. Joyce naman, base sa kanyang paliwanag ay biktima siya ng sirkumstansiya.
Ayon sa paliwanag ni Ms. Joyce, idinikta sa kanya ni Ma. Annaly ang pangalan at detalye ng apat na pasahero para sa OB pass na ang request ay mula sa isang Betsy Paruhinog.
Si Ms. Paruhinog ay executive umano ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Joyce, tinanggap niya ang ‘pakisuyo’ ni Ms. Annaly dahil nga magkasama sila sa trabaho at hindi naman niya naiisip na gagawin sa hindi kanais-nais na intensiyon ang nasabing request.
Itinanggi rin ni Joyce na kilala niya sino man sa apat na pasahero.
Owws really Ms. Joyce?
Kaugnay nito, nagsalita na rin si Atty. Jose Ferdinand Rojas, general manager ng PCSO na wala umanong ginawang request si Ms. Paruhinog para sa nasabing apat na babaeng pasahero.
Inatasan din ni PCSO GM Rojas si Paruhinog na makipag-ugnayan sa mga ahensiyang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Mayroon sigurong pangangailangan na i-check mabuti ng MIAA Asst. GM-SES office ang kanilang tanggapan at ilang empleyado na mukhang nakasasalisi sa human trafficking racket.
Palagay natin ‘e hindi na sila makalulusot ngayon kay AGM-SES ret. Gen. Vicente Guerzon, ‘di po ba Sir?!
Manila City Ad, ano ang ginagawa sa North Cemetery? (Bakit bawal ang coke?!)
SIR gud am po. Tanong ko lang po, bakit bantay-sarado ng isang Manila City Ad ang North cemetery? Ang sabi ng mga vendor ay para ma-monitor daw ang pasok ng tarya ‘y tangga. Kasi may lagay kaming vendors pgpasok ng paninda namin sa loob ng sementryo. Bawal ho kami mgtinda ng coke products. Pepsi products lang daw ang pwede. Bakit ho kaya bglang may ganun order? +63918922 – – – –
Pekeng traffic enforcer nambibiktima sa kanto ng Kamias Rd at BDO bank (ATTN: PNP-QCPD)
PEKENG traffic enforcer sa Kamias Road sa BDO Bank tuwing 2am to 4am nakatambay nag-aabang ng truck na kakaliwa at kokotongon. kawawa naman kami sir. tulongan mo kami wala na kaming malapitan kundi kayo nalang salamat po! Cons +63915913 – – – –
Wanted matinong judge
GOOD morning Jerry. Alam mo sana meron pang naiwang matino na judge sa panahon natin ngayon. Ang hustisya ay kaya talagang baluktotin pag meron ka talagang pera. Kahit pala solid na solid pa ang ibidensya at may pera ka pa, wala rin pala silbi. +63943705 – – – –
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com