Kinalap ni Tracy Cabrera
INILUNSAD kamakailan ng Highland Park, ang northernmost distillery sa Scotland, ang pinakamatanda at pinakamamahaling whisky, ang walang-kapantay na Highland Park 50 Year Old, na nagkakahalaga ng US$17,500 at sumailalim sa vatting (pagkokombinasyon) ng limang oloroso sherry-barrel-aged single malts na na-distill noong 1960 pa.
Binotelya ng 89.8 proof, taglay ng bantog na whisky aroma na nagbibigay ng bahagyang bahid ng alcohol na may bayad ng komplikadong bouquet ng licorice, lemon at signature hint ng nutmeg na kilala mula sa Highland Park.
Makaraan ang pagkakaimbak ng kalahating siglo sa madilim at malamig na cellar ng Highland Park, nag-iwan ang evaporation—na kung tawagin ay ‘the angel’s share’—ng sapat na pambihirang single malt para maopabotelya sa 275 bote lamang, na ang malaking bilang ay nakareserba na para sa Estados Unidos. Gayon pa man, ang unang pitong botelya ng alak ay agarang naibenta noong 2011 habang ang limang sumunod ay naipalabas na sa sumunod na taon.
Dahil sa pambihira ang whisky na ito, ang mga botelyang kinalalagakan ay nakabalot sa masinsing ‘net cage’ ng pilak (sterling silver) na idinisenyo ng sikat na Scottish jewelry designer Maeve Gilles, na kumuha naman ng inspirasyon mula sa damong-dagat (seaweed) at iba pang elemental forces na nagbibigay ng pananaw sa Orkney Islands.
Bukod dito, ang bawat botelya ay mayroon din kasamang bilog na piraso ng Orkney sandstone, habang sa loob, ay makikita ang sterling silver replica ng rose window sa St. Magnus Cathedral sa Kirkwall, ang kabisera ng Orkney.