MAHIGPIT ang pagbabantay ng security staff sa supermarket fridges sa New Zealand bunsod nang mataas na demand sa bagong brand ng chocolate milk. (ORANGE QUIRKY NEWS)
BANTAY-SARADO sa security staff ang supermarket fridges sa New Zealand bunsod nang mataas na demand sa bagong brand ng chocolate milk.
Ang Lewis Road Creamery Fresh Chocolate Milk ay tatlong linggo nang “on sale” ngunit mataas pa rin ang demand at pumipila ang mga customer para sa fresh deliveries nito.
Sinabi ni Auckland’s New World Victoria Park owner, Jason Witehira, araw-araw nauubos ang stock ng chocolate milk magmula nang ito ay ilunsad.
Pumipila ang mga customer sa supermarket aisle kada araw sa pag-asang makabili nito, lalo na kapag weekends, aniya.
Ang supermarket ay tumatanggap ng 500 bottles ng chocolate milk kada umaga, na naibebenta sa loob lamang ng 90 minuto.
“The interest in it has surprised me immensely. We’ve had some pretty good product launches in the past but this pretty much takes the cake,” pahayag ni Mr. Witehira.
Sa kasalukuyan, naglagay na ng limit na dalawang bote kada customer, makaraan isang customer ang inubos ang lahat nang nasa display.
“That’s his right to do that, but we have to be fair to everybody,” pahayag niya sa Stuff.co.nz.
Tiyak nang ang Lewis Road Creamery nang nag-wagi sa negosyang ito ngunit masyado pang maliit ang kompanya para lubusin ang kanilang tagumpay.
Ito ay maaari lamang makapag-prodyus ng 30,000 litres ng chocolate milk kada linggo at hindi available sa labas ng North Island ng New Zealand. (ORANGE QUIRKY NEWS)