Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Desperado na ba si Allan Cayetano?

00 BANAT alvin

KAHIT yata isangla ni Senador Allan Cayetano ang kanyang kaluluwa sa kalaban ng Maykapal ay gagawin niya basta’t matupad lamang ang ambisyon niyang maging pangulo ng bansa.

Ito ang malinaw na pakahulugan at mensahe ng mga pahayag na binibitiwan ngayon ng mga Binay na kilalang kalabang mortal ng mga Cayetano.

Noon ngang sumabog ang isyu ng sobra sa taga ang presyo ng multicab na binili ni Allan Cayetano gamit ang kanyang PDAP ay kaagad niyang itinuro ang mga Binay na siyang may kagagawan ng demolition job laban sa kanya.

Malinaw rin na maging ang isyu ng ghost employees sa Taguig City government ay itinuturo rin ni Mang Allan sa pamilya Binay kaya’t tiyak na lalong lalala pa ang alitan ng 2 angkan.

Kitang-kita kay Cayetano ang sobrang gigil sa kanyang ambisyong maging susunod na pa-ngulo ng estado kaya’t lahat yata ng isyu na pwede niyang sakyan ay sinasalihan, kahit pa sino ang kanyang makalaban o masagasaan.

Mukhang bistado na rin sa mundo ng politika kung paano maglaro si Cayetano dahil noong 2013 senatorial election pa lamang ay itinuturo na siyang may kagagawan ng demolition job kina Loren Legarda at Chiz Escudero para makuha niya ang pagiging numero sa botohan.

Maging ang paglobo ng assets ni Mang Allan ay ikinabigla ng lahat dahil wala naman daw negosyong malaki na pwedeng pagkakitaan.

Tiyak na lalo pang masisiwalat ang mga itinatagong lihim ni Allan Cayetano at iyan ang kaabang-abang sa gibaan nila ni Binay dahil ang taumbayan ang panalo rito sapagkat makikilatis nila nang husto ang mga taong gustong maging pangulo.

***

Kasalu-saludo ang Quezon City Police District sa pamumuno ni Police Chief Supt. Richard Albano.

Sunod-sunod kasi ang kanilang matagumpay na operasyon laban sa ipinagbabawal na gamot.

Malinaw na naging masigasig ang QCPD sa kampanya kontra ilegal na droga kaya naman nagbubunga ang kanilang pakikibaka rito.

Sa buong bansa, tanging sa Quezon City lamang nakakasakote ng malalaking isda at nakakokompiska ng sandamakmak na shabu at iyan ang kahanga-hanga.

Sana si Albano na lamang ang ating chief PNP dahil bukod sa magaling makibaka laban sa droga ay posibleng maibangon rin niya ang lugmok na imahe ng pambansang pulisya.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …