Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SI Grace Poe ang hinahanap ng bayan!

00 banat alvin

DAPAT magkaroon ng matino at iba pang opsyon ang taumbayan sa 2016.

Ito ang pangunahing dahilan kung bakit natin dapat itaguyod ang kandidatura ni Senadora Grace Poe bilang susunod na pangulo ng bansa.

Marapat lamang na bigyan ng karapat-dapat na pagpipilian ang mamamayan ng ‘Pinas sa 2016 kaya’t dapat natin isalang sa halalang pampanguluhan ang anak ni FPJ.

Malinaw sa ipinakikitang sipag at dedikasyon sa trabaho nitong si Senadora Grace Poe na siya ang karapat-dapat na magiging kahahalili ni PNoy sa Malakanyang dahil bukod sa may angking sinseridad ay mayroon din kakaibang diskarte sa pagpapatakbo ng gobyerno, na lubhang kaila-ngan ng panahon ngayon.

Ipinakita rin ni Poe ang kanyang puso sa maliliit at iyan ang hinahanap ng masang mamboboto dahil ang kapakanan nila ang palagiang napababayaan ng mga naluluklok sa kapangyarihan.

Wala rin isyung kurakot at imoralidad si Grace Poe,hindi tulad ng mga naririnig nating pangalan na lalahok sa 2016 na kung hindi nasabit sa kurakutan sa PDAP at DAP ay nasasabit naman sa plunder, katulad ng overpricing sa pagpapagawa ng mga impraestruktura ng pamahalaan.

Hindi rin nasabit ang pangalan ni Poe sa anomang imoralidad katulad ng pangangalunya kaya’t sa lahat ng nababanggit na presidentiables ay siya lamang ang may malinis na rekord kung pagbabasehan ang pagtalima sa 10 utos ng Diyos.

Linis ng pagkatao ang puhunan ni Grace Poe sa 2016 at iyan ang hinahanap ng taumbayan dahil sawang-sawa na ang mamamayan sa pa-ngulong walang malasakit sa bayan.

Panahon na nang tunay na pagbabago kaya’t Grace Poe na tayo!

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …