Monday , August 11 2025

Wala na raw pork ?

00 banat alvin

Mukhang inuunggoy na talaga tayo ng mga taga-Kongreso at ng Malakanyang.

Palagian natin naririnig ngayon na wala na raw PDAF ang mga kongresista sa 2015 budget na umaabot sa P2.6 trilyon.

Ang tanong tuloy ngayon ng karamihan sa mga political observers ay totoo kayang wala nang pork barrel ang ating mga mambabatas at paano sila napapayag na tanggalin ito?

Alam nating lahat na ang buhay ng isang mambabatas maging ito man ay miyembro ng Kamara o Senado ay nasa pork barrel kaya’t labis ang pagtataka ng karamihan kung totoo na nga bang wala na ito.

Sa ating pagkakaalam , itinago lamang ang pork barrel ng mga mambabatas sa mga departamento ng pamahalaan at dito mayroon silang karapatang sabihin kung saan ito gagastusin at sino ang makikinabang.Maging ang mga kontratista at supplier ay sila pa rin ang pipili dahil buo na ang internal arrangement sa pagitan ng mga lider ng Kongreso at Malakanyang.

Napag-alaman nating lumaki pang lalo ang pork barrel ng mga miyembro ng Kamara mula sa da-ting P75 milyon kada mambabatas ay naging P85 milyon na raw ito.

Maging ang mga senador ay lumaki rin daw ang pork at ito ang dapat nating alamin dahil ang nakakalulang P2.6 trilyong pondo na hinihingi ni PNoy sa 2015 ay lubhang nakababahala lalo’t alam naman natin na maraming nakatago rito.

Sa ating pagkakaalam , mahigit sa P500 bilyon ang lump sum appropriations na tinawag sa 2015 budget na Special Purpose Fund. Ito ang lubhang nakatatakot dahil posibleng pag-ugatang muli ang naturang pondo ng malakihang korup-siyon.

Dapat na sigurong tanggalin sa sistema ng budgeting ang lump sum appropriation dahil ito ang ugat ng pagiging flexible ng gumagastos sa kurakutan sa gobyerno.

Siyempre kapag hindi identified ang proyekto dahil nga lagom ang pondo ay tiyak na pwedeng paglaruan ito ng mga manipulador sa pa-mahalaan.

‘Yan ang dapat bantayan ng mamamayan dahil hindi na talaga katiwa-tiwala pa ang mga mambabatas para suriin at himayin ang 2015 pondo dahil sila mismo ay benepisaryo ng sangkatutak na pondo ito.

Bilib talaga tayo sa malasakit ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa kanyang mga kababayan. Naglaan kasi siya agad ng P36 milyon para sa impraestrukturang nasira ng bagyong si Glenda.

Hinati-hati ang naturang pondo para sa pagpapa-repair ng mga silid-aralan, day care centers, sports complex, pailaw sa kalye at ng city technical institute. Daglian ang naging aksyon ni Fresnedi sa naturang problema kaya naman matatag ang taga-Muntinlupa dahil nagkaroon sila ng alkaldeng may magaling na management skills at may puso sa mamamayan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

MTRCB

MTRCB nakapagribyu ng mahigit 11,000 materyal nitong Hulyo 2025

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALINSUNOD sa mandatong itaguyod ang responsableng panonood at matiyak ang …

Richard Quan How To Get Away From My Toxic Family

Richard Quan, ratsada sa sunod-sunod na projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD ngayon ang veteran actor na si Richard Quan sa …

Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri 2

Kyle pressured sa pag-entra sa loveteam nina JC at Bela

NAG-HIT ang pelikulang minahal ng mga manonood, ang 100 Tula Para Kay Stella. Makalipas ang walong …

Sid Lucero Bea Binene PostHouse Mikhail Red

Sid at Bea haharapin halimaw ng mga sarili

INIHAHANDOG  ng Viva Films at Evolve Studios ang pinakaunang full-length film ni Nikolas Red, kasama ang kapatid na si Mikhail Red bilang creative …

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *