Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ekonomiya ng ‘Pinas babagsak?

Hindi lamang ang popularidad ni Pangulong Noynoy Aquino ang sasadsad dahil sa kontrobersiyang dulot ng PDAP at DAP dahil nakikita nating ang problema sa kakapusan ng suplay ng kor-yente sa bansa ang mas dapat pinaghahandaan ng lahat lalo’t higit ng pamahalaan.

Nakapagtataka lamang kung bakit ngayon lamang isinambulat ng pamahalaan lalo’t higit ng Energy Department gayong tiyak tayong ang problema sa kakulangan sa suplay ng koryente ay matagal na nilang alam at sigurado tayong na-kita nila ito sa panahon pa lamang ni dating Energy Sec. Rene Almendras.

Grabeng tiyak ang maging parusa nito sa ekonomiya ng bansa na may “domino effect” naman sa buhay at pamumuhay ng bawat isang Pilipino.

Kung hindi masosolusyonan ang naturang problema sa koryente ayon kay Valenzuela City Cong. Sherwin Gatchalian ay malinaw na bubulusok ang tinatamong “economic growth” ng ‘Pinas na siyang maglalagay muli sa dati nitong bagsak na estado.

Sa ngayon kasi ay malinaw sa buong mundo na malakas ang ekonomiya ng Pilipinas at tinatawag pa nga tayong “fastest growing enonomy” sa Asia pero kapag hindi ito natutukan nang maayos ng pamahalaan at naubos ang oras sa pagpapaliwanag ng DAP at PDAP ay tiyak na babalik ta-yong muli sa lalong karukhaan.

Malinaw na ang problemang nabanggit ay bunga ng kawalan ng long term plan ng mga nakalipas at kasalukuyang nanungkulan sa pa-mahalaan sa suplay ng koryente.

Kulang na kulang tayo sa aspetong ito ng paghahanda at pag-aanalisa sa mga posibleng mangyari kaya’t ito na nga ang naging bunga ng kawalang pokus ng gobyerno. Siyempre kapag walang suplay ng koryente ay apektado ang produksiyon ng mga kompanya at dito mangagugutom ang mamamayan dahil tiyak na mababawasan ang kanilang working hours.Inaantay ng tao ang solusyon ni PNoy sa krisis sa koryente at iyan ang mas kaabang-abang sa kanyang SONA sa Lunes dahil sawa na rin naman ang mamamayan sa isyung DAP na alam naman nating ubos na at pinakinabangan na lamang ng iilan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Sexbomb

Scalpers sa Rawnd 3 at 4 concert ng Sexbomb pag-ingatan

I-FLEXni Jun Nardo NAKAPILA ang mga gustong makakuha ng tickets sa Rawnd 3 ng Get Get …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

ABC VIP Nazareno Quiapo

ABCVIP Alliance puso ang alay para sa mga deboto ng Itim na Nazareno

MULA sa diwa ng Pasko hanggang sa pananampalataya ng Bagong Taon, patuloy ang adbokasiya ng ABCVIP …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …