Sunday , November 17 2024

PNoy nababaon lalo sa DAP

LALO lamang nababaon sa pagkakalugmok sa mata ng publiko ang administrasyong Aquino habang tinatalakay nila araw-araw ang DAP o Disbursement Acceleration Program.

Ito ang napapansin natin dahil imbes mamatay ang usok bunga ng kontrobersiyang idinulot ng DAP ay mismong si PNoy pa at ang kanyang mga propagandista ang tumatalakay nito araw-araw sa media.

Maging ang mga ahensiyang nakinabang o nabibiyayaan ng DAP ay nagpapaliwa-nag din kada araw kaya’t lalo lamang tumitimo sa isipan ng publiko.

Hindi tuloy natin malubos maisip kung anong klaseng diskarte mayroon ang kasalukuyang administrasyon lalo’t sangkatutak ang miyembro ng public relations team, na dapat sana ay nag-iisip para bumangong muli ang kanilang amo sa publiko.

Krisis na ang kinakaharap ng PNoy administration dahil sa DAP kaya’t dapat na silang tumahimik at mag-isip ng isyung pwedeng ipantabon dito lalo pa’t sumasabay din ang iba’t ibang nega-tibong isyu na lalong nagpapabaho sa pamamahala ng anak ni Tita Cory katulad na lamang ng kakulangan ng suplay sa koryente.

Kitang-kita rin ang pagkapikon ni PNoy sa Korte Suprema dahil imbes dumiskarte nang pailalim o matahimik para mabaligtad ang de-sisyon ng mga mahistrado sa DAP ay mistula pang inaaway ng Pangulo  dahil tahasan nang kinukuwestiyon ang Judicial Development Fund o JDF.

Sa maikling salita, nakikipagmatigasan si PNoy sa mga mahistrado at iyan yata ang ugali ni PNoy sa kahit sino mang kumakalaban sa kanya dahil mukhang ugali na niya ang ayaw din napapahiya sa tao.

Tiyak na lalo pang lulubha ang isyung ito ng DAP at ni PNoy kaya’t dapat na silang manahimik at mag-iba ng game plan dahil baka lalo pa silang mabigla sa susunod na resulta ng surveys na lalong malulugmok ang dating mataas na kompi-yansa ng mamamayan sa kaisa-isang anak na lalaki ng bayaning si Ninoy Aquino.

***

Kahit miyembro ng oposisyon ay pabor si Valenzuela Rep. Win Gatchalian na bigyan ng emergency power si PNoy para maresolba o mabawasan ang epekto ng kakulangan ng suplay ng koryente sa bansa.

Ito ang kahanga-hanga sa ginagawang mapanuring pag-aanalisa ni Gatchalian dahil pala-ging namimirati ang pag-iisip nang tama para sa bayan.

Ganito dapat ang ugali ng mga mambabatas sa bansa dahil ang pagiging matinong lider ay nasasalamin sa maayos na pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa kapakanan ng taong bayan.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *