Sunday , November 17 2024

Mabuhay ang Sentenaryo ng Iglesia ni Cristo

KAKAIBANG tibay at tatag ang ipinakita ng kapa-tiran ng Iglesia ni Cristo dahil naabot nila ang kanilang sentenaryo ngayong darating na July 27, 2014.

Hindi matatawaran ang kaligayahan na nasa kanilang kalooban dahil nalampasan nila ang mabibigat na pagsubok upang ganap na kilalanin bilang isang matatag na relihiyon sa buong mundo.

Nagmula sa isang payak na umpisa ang Iglesia ni Cristo matapos itatag ni Kapatid Felix Y. Manalo noong Hulyo 14, 1914. Si Ka Felix ang unang sumagwan at nagsumikap para sa pagpapalagap nito sa buong bansa na ang panguna-hing layunin ay palaganapin ang Salita ng Diyos sa buong sambayanang Pilipino.

Bagaman panahon ng digmaan, hindi naging balakid kay Ka Felix ang kaguluhan bagkus nagsilbi lalo itong hamon sa kanyang pamamahayag ng Salita ng Diyos.

Tinuya at pinagbabato pa ang Sugong si Ka Felix noong sinisimulan niya ang Iglesia ni Cristo dahil sa kanyang pagpapakalat ng Salita ng Diyos pero matapos lamang ang ilang taon ay mabilis itong lumaki at kumalat sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Matapos ang makaysaysayan panimula ni Ka Felix, nang kunin na ng Dakilang Maykapal, ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Kapatid na Eraño Manalo na siyang nagpalaking lalo sa Kapatiran sa pamamagitan ng papapalawak nito hindi lamang sa buong Pilipinas kung hindi sa buong mundo.

Kitang-kita kay Ka Eraño ang determinasyon ng pagpapalawak sa Salita ng Diyos na dahilan nang pag-angat ng Iglesia ni Cristo sa pedestal na kinalalagyan nito ngayon.

Pagsagip sa kaluluwang naliligaw at nagkakasala ang naging pangunahing agenda ng Iglesia ni Cristo na siyang ipinagpapatuloy nga-yon ng kanilang tagapamahalang pangkalahatan na si Kapatid na Eduardo Manalo.

Kakaibang pagpapagal din ang ipinakita ni Ka Eduardo dahil inabot niya ang mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng lalong pagpapa-tibay sa mga public service programs ng Iglesia ni Cristo katulad ng Lingap sa Mahihirap.

Mas naging aktibo ang kapatiran sa pagka-linga at pagtulong hindi lamang sa kanilang mga kapatid kung hindi lalo’t higit sa mga kapos palad na Pilipino.

Bukod sa pagkalinga ay isinabay na rin ni Ka Eduardo ang pagtatayo ng malalaking proyekto katulad ng inialay nitong Lunes na Philippine Arena, ang pinakamalaking dome sa buong daigdig.

Pagkalinga at pagpapaunlad ng bansa at tinututukan ngayon ng Iglesia ni Cristo at ito ang kinilala ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang speech sa pag-aalay ng Philippine Arena kahapon.

Marami pang magagandang bagay ang dara-ting sa bansa at iyan ay dahil katuwang ng pama-yanan ang buong Iglesia ni Cristo sa pamumuno ni Ka Eduardo kaya’t kapit lang tayo dahil tiyak na patungo na sa pag-unlad ang ating bayan.

Sa mga kapatid natin sa Iglesia ni Cristo, taos puso pong bumabati ang pitak na ito kasama ang aking mga anak na sia Valenzuela City Councilor Rovin Andrew Feliciano at Punong Barangay Cristina Marie Feliciano ng Arkong Bato, Valenzuela City.

Mabuhay ang ika-100 taon ng Iglesia Ni Cristo!

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *