TIYTAK na sasaluhing mabuti ng Malakanyang si Budget Sec. Butch Abad.
Kitang-kita sa ginagawang pagtatanggol ng mga tagapagsalita ng Palasyo kung gaano sa kanila kahalaga si Abad, na isa sa itunuturong nagpasimuno at utak ng DAP o Disbursement Accelaration Fund.
Malinaw sa ginawa nina Spokesman Edwin Lacierda at Press Sec. Hermino Coloma kung ano ang utos ni PNoy at ito ay protektahan si Abad sa abot ng kanilang makakaya.
Malinaw na hindi ilalaglag ng Malakanyang si Abad, na siyang dahilan kung bakit naging pangulo ng bansa isi PNoy matapos niyang aregluhin at paatrasin si Sec. Mar Roxas matapos mamatay si Tita Cory.
Kung tutuusin ay alam lahat ng Malakanyang ang nangyari sa DAP at PDAP kaya’t ito ang sobrang nakatatakot dahil kontrolado nila ang buong sistema ng gobyerno.
Sa kasalukuyan ay kaya nilang paikutin ang kahit sinoman at kaya nilang lalo itago ang anomang dokumento na magpapatunay sa DAP kaya’t ito ang dilemma ngayon ng lahat.
Maging ang total ng DAP ay hindi alam ng publiko dahil sa patuloy na pananahimik ng Malakanyang.
Tiyak na may taktika pang gagawin ang mga tinamaan at utak ng DAP kaya’t dapat hindi agad-agad maniwala ang publiko dahil pera ng bayan ang winaldas dito.
***
Malapit na rin ilaglag ng mga miyembro ng Senado ang Malakanyang.
Palpak kasi ang pinagsasabi ng mga tagapagsalita ng Malakanyang lalo’t higit si Lacierda.
Sa pahayag ni Lacierda ang mga senador ang may alam kung saan nila dinala ang DAP na siyang ikinagalit ngayon nina Senador Sege Osmena at Antonio Trillanes.
Ayon sa dalawang kakampi ni PNoy na mambabatas sa Mataas na Kapulungan, ang Malakanyang ang nakaaalam kung saan napunta ang DAP dahil under nila ang DBM ni Abad.
Kapag nagkataon sisingaw lalo ang baho ng DAP lalo’t higit ang Palasyo kaya’t dapat pagsabihan ni PNoy ang kanyang mga alipores dahil ito ang maglalaglag sa kanyang liderato.
Alvin Feliciano