Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Popularidad ni PNoy, babagsak

TIYAK na lalong lalagapak ang popularidad ni Pangulong Benigno Aquino sa mamamayan ng bansa.

Ito ang dapat paghandaan ng Malakanyang dahil tiyak na may epekto ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa kailegalan ng DAP o Disbursment Accelaration Fund, na ipinansuhol daw ni PNoy sa mga mambabatas ng bansa para masi-gurong mapapatalsik si dating chief justice Renato Corona.

Kung sa pinakahuling survey na isinagawa ng SWS noong huling linggo ng Marso ay bumagsak ng 6 porsiyento ang satifaction rating ni PNoy sa tao ay tiyak na magdo-double figure ito sa susu-nod na survey na isasagawa ng survey firms.

Malinaw din sa resulta ng SWS na ang 21 percent dissaproval rating ni PNoy ay mag-aalboroto pang lalo at tiyak na aakyat pa dahil lumabas din sa survey na ang Class E o ‘yun talagang ma-sang anakpawis ang ayaw na sa pamamalakad ng anak ni Tita Cory.

Maging ang taga-Luzon na pinanggalingan ng lahi ni PNoy ay hindi na rin kontento sa kanyang pamamalakad dahil kung pagbabasehan natin ang latest SWS survey ay bumagsak din ng 13 percent. Ito ang senaryong dapat harapin ng Malakanyang at ni PNoy dahil ang DAP at PDAP ang nagpabagsak sa tiwala ng taong bayan sa Aquino administration.

Maging ang “daang matuwid” ni PNoy ay marami nang hindi naniniwala dahil sa P170 bil-yong DAP kaya’t dapat ay iwas-iwasan na rin nila ang paggamit nito dahil baka lalo pa nilang makita ang galit ng tao.

Ang masakit ay naikokompara ngayon si PNoy kay Ate Glo dahil lumalabas na mas corrupt ang administrasyong ito dahil hindi umabot sa P100 bilyon ang ibinabato nilang putik sa dating pangulo. Mali-mali rin ang naging diskarte ng mga tagapagsalita ng Palasyo at ni PNoy na rin dahil gabay daw nila sa DAP ang Administrative Code ng bansa na mas nangingibabaw ang ating Saligang Batas.

Kahit high school students ay alam na ang Saligang Batas ng bansa ang mananaig at ito ang supreme law ng estado kaya’t lumalabas lamang na nagtatanga-tangahan ang Palasyo nang gawin nilang alibi ang Administrative Code.

Tiyak na marami pang isyung ibabato sa PNoy administration dahil sa DAP kaya’t dapat silang maghanda dahil kung ang taong bayan ang nagluklok sa kanila sa poder ng kapangyarihan ay tiyak na ang mamamayan din ang magpapabagsak sa kanila sa kawalan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …