HINDI pa ngayon huhusgahan ng taong bayan ang Disbursement Accleration Program o DAP na nilikha nina Pangulong Noynoy Aquino, Senate President Franklin Drilon at Sec.Butch Abad.
Tinitiyak natin ito dahil ang mabisang sukatan kung ayaw ba talaga ng mamamayan sa DAP, ang halalan na tiyak na ang nilikhang dambuhalang pondo ay masahol pa sa PDAP o pork barrel at gagawing isyu at magiging basehan ng madlang pipol sa 2016 election.
Kapag mananalo ang inendoso ni PNoy sa 2016 ay malinaw na binalewala ng mamamayan ang DAP at PDAP kaya’t ito ang dapat natin anta-bayanan at bantayan dahil bayan mismo ang huhusga rito.
Maging ang PNoy presidency ay susukatin din sa 2016 dahil kung lalabas na panalo ang pambato ng anak ni Tita Cory sa 2016 ay masa-sabi nating okay lang sa tao ang DAP at PDAP na nagsilbing daluyan ng perang ilegal o kuropsyon sa pamahalaan.
Alam mismo ng pamahalaang kasalukuyang na bawal talaga ang PDAP at DAP at labag ito sa Konstitusyon pero hindi nila naisip na ito ay magbo-boomerang sa kanila dahil ang isyung ipinambanat nila sa oposisyon na kinabibilangan nina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay isyu rin na gagamiting bala ng oposisyon at mamamayan para sila bumagsak sa taong bayan.
Tiwala tayong alam ngayon ng taong bayan na ilegal ang DAP pero hanggang kailan lalo’t nababaligtad ang sitwasyon kapag pera na ang na-ngusap sa mamamayan
Isyung kakabit ng DAP at PDAP ang biyayang napala ng taong bayan kaya ito ang dapat natin tutukan dahil kapag nanalo ang pambato ni PNoy sa 2016 kasingkahulugan na rin ito nang patuloy na kuropsyon sa gobyerno.
2016 ang basehan at ito ang dapat natin iukilkil sa utak ng madla dahil alam naman natin ang kumakalam na sikmura ay kumakapit sa patalim na posibleng magpatuloy at muling magdala ng talamak na kuropsyon sa pamahalaan na ayaw natin pero dapat tayong manindigan.
Alvin Feliciano