Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dear Teacher (Ika-14 labas)

PUMAGITNA SA 2 DATING ESTUDYANTE SI TITSER LINA PARA PIGILAN ANG PAGDANAK NG DUGO

Pero nang malapit na malapit na ang da-lawang sundalo ng pamahalaan ay biglang itinigil ng mga kalalakihan doon ang pag-aahon sa nakanal na trak. Astang naalarma ang bawa’t isa sa pagdating ni Anthony at ng kasama nito na parehong nakadamit-sundalo.

Nakilala agad si Anthony ni Adrian na kabilang sa mga kalalakihan na nag-aahon sa trak sa maputik na kanal. Namukhaan din naman ni Anthony si Adrian. Dahil kaaway ang turing ng dalawa sa isa’t isa panabay na nagbunot ng baril mula sa baywang. Nagkatutukan ang dating magka-klase.

Iyon ang eksenang nagpahumindig kay Titser Lina sa pagkakaupo sa unahan ng army type jeep. Pumiyok ang boses niya sa pagsigaw dahil sa pagbara ng takot sa kanyang lalamunan.

“Ibaba mo ang iyong baril at sumama ka sa amin nang maayos…” ang sabi ni Anthony kay Adrian.

“Magkakamatayan tayo rito pero hindi mo ako mapapasuko,” ang matigas na tugon ni Adrian.

Nag-umang na rin ng baril sa mga kalalakihang naroroon ang sundalong kasama ni Anthony.

“Ang kumilos nang masama, unang bubulagta,” aniyang nasa gatilyo ng armalite ang isang daliri.

Noon napalundag pababa ng sasakyan si Titser Lina. Nagdumali siya sa pagtakbong palapit kina Anthony at Adrian. Pasigaw niyang tinawag ang pangalan ng dating magkaklase.

“Anthony! Adrian!… Huwag!” aniya halos magkandarapa sa pagtakbo.

Natigilan ang lahat nang pumagitna si Titser Lina sa mga dati niyang estudyante. Nanginginig ang buo niyang katawan at putlang-putla ang kanyang mukha.

“P-pakiusap…ibaba n’yo ang inyong mga baril,” aniya sa pangingilid ng luha sa mga mata.

“Tungkulin kong dakpin ang tulad ni-yang kalaban ng demokrasya at naglala-yon na pabagsakin ang gobyerno ng bansa,” ang naisagot ni Anthony sa dating guro.

“Ang sinasabi mong demokrasya ay para lamang sa iilan… At ang gobyerno naman ng iyong mga amo ay walang malasakit at paglingap sa higit na nakararaming dukhang mamamayan na patuloy na naaapi sa ating lipunan,” ang salag ni Adrian sa matigas na tono.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

SM Foundation medical mission Olongapo

Social good partners, SM Foundation mount medical mission in Olongapo

Volunteers man the SM Foundation’s Mobile Clinic, providing assistance to patients undergoing electrocardiograms (ECGs) and …