Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Asawa sa abroad buntis at pajama

Gud am po,

Share qu lng pu ung pngnip ng friend quh, gs2 nya po kz mlaman qng anu ung ibg sbhn… npngnipan nya dw pu ung asawa nya n nsa abroad, ndi dw pu umuuwi,tas po ng pnthan nya dun,my nkahilig dw pu dun s asawa nya na bntis n ba2e. pnag sa2ktan nya dw pu ung ba2e, tas inbngan dw pu cla, gmanti dw po, nla2tigo dw pu cla ng mga arabo.pero my ng co2ver dw pu s knya na la2ki. tas umuwi dw pu xa hauz nla, lhat pu ng Bhay n pntahan nya my tao, kya ndi xa mkpg bhis. tas pu ng mgpapanty n xa, pajama pla ng bta ung dala nya.kslukuyang nsa abroad pu ung aswa nya.pki interpret po, mre power nd tnx po 2 u nd ur column. (09103885775)

To 09103885775,

Ang panaginip ng kaibigan mo ay repleksiyon ng kawalan o kakulangan ng lubos na tiwala sa kanyang asawa. Iyan kasi ang nasa isip niya kaya natural na mag-manifest o lumabas din iyan sa kanyang bungang-tulog. Dapat niyang tandaan na ang isa sa mahalagang pundasyon ng masaya at matatag na relasyon ay ang tiwala sa isa’t isa. Kaya kung wala namang dahilan para magselos o hindi magtiwala sa kanyang asawa, dapat na iwaksi sa kanyang isipan ang ganitong mga pag-iisip o pagsususpetsa. Nagpapakita rin ang ganitong tema ng panaginip ang insecurities at takot na abandunahin ng kanyang mahal. Maaaring kasama na rito ang pakiramdam na nababalewala, napapabayaan, at hindi nabibigyan ng atensiyon sa kanilang relasyon. O kaya naman, pakiramdam niya ay hindi masyadong nagpapakita ng sapat na pagmamahal ang kanyang asawa. Alternatively, posible rin naman na ito ay manifestation na sa wari niya’y hindi nagagawa o hindi umaabot ang expectations sa kanya ng iba, lalo na ang mga taong malalapit at mga mahal niya sa buhay.

Kapag nanaginip naman na nakikipag-away, ito ay nagsasaad ng inner turmoil. Ang ilang aspeto ng pagkatao ay may conflict sa ibang aspeto ng kanyang sarili. Maaaring dahil ang hindi pa nareresolba o hindi kinikilalang bahagi ng pagkatao niya ay nakikipaglaban sa karapatan nito na madinig. Ito ay maaari rin na parallel sa pakikipaglaban o sa struggle na kanyang pinagdadaanan sa estadong siya ay gising.

Kapag naman nakakita ng panty sa panaginip, ito ay nagre-represent ng feminine attitudes and feelings. Ito ay repleksiyon din ng hinggil sa female point of view. Maaaring may kaugnayan din ito sa idea ukol sa sexuality. Posibleng may kaugnayan din ito sa takot sa paglabas ng mga sikreto. O kaya naman, sa isang nakakahiya at hindi maipaliwanag na sitwasyon. Alternatively, ito ay nagpapakita rin ng totoong pagkatao ng nanaginip. Maaaring nagsasabi rin na kailangang malaman niya ang kabuuan lalo na ang pinaka-ilalim ng mga pangyayari. Nagsasabi rin ito ng mga ukol sa pribadong bagay. Kung nahiya siya na nakitang naka-panty lang siya, may kaugnayan ito sa agam-agam na ilabas niya ang kanyang tunay na damdamin, ugali, o iba pang nakatagong idea. Kung okay lang sa kaibigan mo na makita siyang nakasuot lang ng panty, nagpapakita ito na handa na siyang ilabas ang ilang bagay na dati ay nakatago.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …