Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tiba-tiba ang Valenzuela at Munti

TULOY-TULOY ang progreso sa Lungsod ng Valenzuela.

Ito ang ipinararamdam ngayon ni Mayor Rex Gatchalian matapos isakatuparan ang sangkatutak na proyekto na talaga naman kailangang-kailangan ng tao.

Magmula sa sangkatutak na silid-aralang naitayo at ipinatatayo ay pinagtuunan rin ng dobleng pagtingin ang problema sa lungsod sa baha.

Tuloy-tuloy ang paglilinis ng daluyang tubig sa lungsod at katunayan ay bumili pa ang kasalukuyang liderato ng makabagong heavy equipment para gamitin dito.

Maging ang mga barangay ay todo ang pagkalinga ni Mayor Rex dahil bukod sa regular na tulong para sa kanilang mga pagawain ay inayos at binago niya ang halos lahat ng health centers sa siyudad.

Sa kasalukuyan ay mahigit sa walong (8) modernong barangay hall na kompleto sa lahat ng uri ng pangangailangan sa paglilingkod ang ipinatatayo ni Mayor Rex at iyan ang kaabang-abang sa lahat.

Maging ang senior citizens ay kanya rin kinakalinga at patunay na nga rito ang mga proyektong makabuluhan gaya ng pagbibigay niya ng trabaho bilang traffic enforcer at first aide responder sa lahat ng pampublikong paaralan sa siyudad.

Sa maikling salita, mapalad ang Valenzuela dahil mayroon silang Mayor Rex Gatchalian na tunay na nagmamalasakit sa kanyang pamayanan.

***

Swerte ang siyudad ng Muntinlupa dahil nagkaroon sila ng alkalde na may malasakit sa bayan at kanyang mga mamamayan.

Ito ay matapos ipakita ni Mayor Jaime Fresnedi ang kanyang galing sa paglilingkod at serbisyo publiko sa kabila ng sangkatutak o bilyong utang na iniwan sa kanya ni dating alkalde Aldrin San Pedro.

Sa hindi po nakaaalam, umabot sa P2 bilyon ang utang na iniwan ni San Pedro kay Fresnedi kaya naman todo sipag ang kasalukuyang alkalde na makakoleksyon nang husto para mabayaran ang pagkakautang at para na rin maisakatuparan ang kanyang mga pangunahing proyekto.

Kataka-takang nakapagsubi o nakapag-save pa ng P17 milyon sa kaban ng Muntinlupa si Fresnedi sa kabila ng pagbabayad niya ng utang at ang lalong nakamamangha ay patuloy na bumabaha ang proyekto sa lungsod ng Muntinlupa.

Para sa kaalaman ng lahat, sa Muntinlupa lamang tayo makakikita ng scholarship mula sa elementarya hanggang sa kolehiyo dahil sa kakaibang ideya ni Fresnedi.

Malinaw kasi sa pamantayan ni Fresnedi ang pagkalinga at edukasyon kaya’t todo ang suportang ibinibigay niya sa kabataan.

Maging sa aspeto ng pagbibigay bahay ay tinututukan ni Mayor Jimmy at katunayan nga nito ay kabibigay niya lang ng disenteng bahay sa mga residente ng Barangay Putatan at mga ilang buwan na lang ang aantayin ng Barangay Tunasan, sila naman ang makatitikim ng pabahay ni Fresnedi.

Maging ang waste water treatment facility sa Alabang Market ay naayos na ni Fresnedi kaya naman tuwang-tuwa ang mga residente at mga tindera sa naturang pamilihan.

Sangkatutak pang proyekto ang isasagawa ni Fresnedi sa Munti kaya’t kapit lang tayo dahil marami pang darating na maganda sa naturang lungsod.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …