Tuesday , November 5 2024

Napoles dapat isama sa regular na kulungan

SA patuloy na pagdinig ng umano’y anomalya sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel ng ating mga mambabatas ay maraming mga Pilipino ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasama sa regular na kulungan ang tinaguriang utak na si Janet Lim-Napoles?

Napapansin tuloy ng ating mga kababayan na mistulang binibigyan ng “special treatment” ng gobyerno si Napoles samantalang ito ang pasimuno ng anomalyang ito na kinasasangkutan din ng iba pa nating mambabatas.

Matatandaan pa natin na hiniling pa ng kam-po nitong si Napoles na gawin itong “state witness” na mabuti na lamang ay hindi napagbigayan dahil parang binigyan na rin natin ito ng karapatang makaalpas sa kanyang ginawang ano-malya.

Panahon na rin siguro upang maisama si Ginang Napoles sa regular na kulangan nang sa gayon ay maranasan din nito ang mga nararanasan ng mga mahihirapan nating kababayan na nagkasala sa batas.

Ang ginawang pagbulsa ni Napoles at ng kanyang mga kasabwat na mambabatas ng P10 bilyong pork barrel funds ay isang malinaw na paglabag sa ating batas kaya’t nararapat lamang na maramdaman nito ang ngitngit ng taumba-yan na kanilang ninakawan ng pera na nagmula sa ating kaban ng yaman.

Kapag nanatili kasi si Napoles sa kanyang kulungan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna ay parang tinatawanan lamang nito ang ating gobyerno dahil kung ikukumpara sa mga kababayan nating nagkakasala sa batas, mas matindi ang nararansang hirap ng mga mahihirap na nakukulong.

Nakapagtataka rin kung bakit parang ginagawang “baby” ng gobyerno itong si Napoles samantalang dapat na maramdaman nito ang paghihirap ng isang taong nagkasala sa batas tulad ng karamihan sa ating mga kababayan.

Sakaling maisama sa regular na kulungan si Napoles marami sa ating mga kababayan ang matutuwa dahil kahit na hindi pa naibababa ang desisyon sa kasong kinahaharap nito ay para na rin silang nakakuha ng katarungan dahil naranasan ng tinaguriang reyna ng katiwalian ang maghirap sa “tunay” na kulungan.

Kailan kaya natin makikita na naghihirap sa regular na kulungan si Napoles? Sakaling mangyari ito, tiyak na luluha rin ng bato ang kanyang mga kaanak dahil makikita nila kung paano maghirap sa loob ng mainit at mabahong piitan.

Sana, isang araw ay makita natin si Napoles sa ganitong klaseng kalagayan para naman hindi puro sarap ang kanyang maranasan sa buhay samantalang alam nating lahat kung gaano kalaki ang kanyang ginawang kasalanan sa taumbayan.

Alvin Feliciano

About Alvin Feliciano

Check Also

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

DOST NCR Launches Regional Science, Technology, and Innovation Week to Promote Green Economy Solutions in Metro Manila

The Department of Science and Technology National Capital Region (DOST NCR) launched its annual Regional …

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

DOST I empowers Community with Potable Water Solutions, deploys SAFEWATRS Technology in Umingan, Pangasinan

To provide a reliable emergency potable water system, the Department of Science and Technology (DOST) …

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Ang Programa sa Pagsasanay ng Magsasaka ng SM Foundation ay Nakapagpatapos ng 87 farmer trainees sa Bulacan

Hindi bababa sa 87 farmer trainees kamakailan ang nakatapos ng 14-week training program ng SM …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Luke Mejares

Luke happy sa success ng 90’s Rewind US Tour

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA si Luke Mejares sa tagumpay ng ng Luke Mejares 90’s Rewind US Tour  na sold outs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *