Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bati na sina Erap at Binay

SANA ay magtuloy-tuloy nang muli ang magandang samahan nina Manila Mayor Erap Estrada at Vice President Jojo Binay.

Ito ang dapat mangyari dahil ito lamang ang paraan para mapagwagian nila ang darating na 2016 election na ang pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas ang kanilang mabigat na makakalaban.

Mabuti na lamang at nag-isip ang dalawang lider ng oposisyon sa bansa dahil kung nagtuloy-tuloy ang kanilang sigalot, malamang manaig muli ang LP sa darating na 2016.

Magaling kasi ang taktika ng LP ni Roxas dahil pilit nilang pinaghihiwalay ang dalawang lider ng masa at oposisyon dahil nakikita nilang ito lamang ang tanging paraan para magwagi sila sa pampanguluhang halalang darating.

Sa maikling salita, kampanyang diskarte ang gustong gawin ng LP kaysa kampanya ng issues dahil alam nila sigurong negatibo ang kanilang kahahantungan sakaling makipagsabayan sila sa grupong Binay-Erap.

Tiyak na gagawa na naman ng panibagong taktika ang LP kaya’t dapat maging matibay ang oposisyon dahil marami pang panggigipit at panggu-gulo ang gagawin sa kanila ng mga taga-Palasyo at bataan ni Roxas.

Hindi ba Cong. Egay Erice ng Caloocan?

***

Panalong-panalo ang senior citizens sa Muntinlupa sa liderato ni Jaime Fresnedi.

Kasama na kasi ang siyudad ng Muntinlupa sa mga lungsod sa bansa na sobra-sobra ang pagmamahal sa ating mga katandaan.

Sa bagong proyekto ni Mayor Jimmy Fresnedi, libre nang makapapanood ng sine sa SM Munti ang lahat ng senior citizens ng lugar.

Ganyan kagaling at kawagas ang malasakit ni Fresnedi sa kanyang mga katandaan dahil naniniwala siyang ang pagmamahal sa ating mga magulang ay dapat mamirati dahil sila ang nagsumikap para sa kasalukuyang heneras-yon.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Sexbomb

Scalpers sa Rawnd 3 at 4 concert ng Sexbomb pag-ingatan

I-FLEXni Jun Nardo NAKAPILA ang mga gustong makakuha ng tickets sa Rawnd 3 ng Get Get …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

ABC VIP Nazareno Quiapo

ABCVIP Alliance puso ang alay para sa mga deboto ng Itim na Nazareno

MULA sa diwa ng Pasko hanggang sa pananampalataya ng Bagong Taon, patuloy ang adbokasiya ng ABCVIP …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …