Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abnormal ba pag hindi nag-orgasm?

00 try me francine

Hi Miss Francine,

Meron po kaya akong diperensya kasi po hanggang ngayon hindi ko po alam kung nag-cum ba ako tuwing nagse-sex kami ng bf ko ng almost 3 years na.

Narinig ko po kasi ‘yung mga kasamahan ko sa trabaho na nag-uusap tungkol sa sex … at nabanggit nila na hindi raw po normal sa isang babe ang hindi alam kapag nag-cum na sila.

Nahihiya po kasi akong mag-open nito sa bf ko kasi baka kung anong isipin niya pag sinabi ko … kaya lang guilty ako sa tuwing may mangyayari sa ‘min at tinatanong niya ako kung nag-cum na ako sasabihin ko nalang po na “oo” kahit na hindi ko po alam kung nag-cum nga ba talaga ako. Mag-23 years old na rin po ako.

Sana po Miss Francine masagot n’yo po. Maraming salamat po.

EMMA

 

Dear Emma,

Wala kang diprensya, at normal lang sa mga babae na hindi nag-cum, nag-orgasm o nilabasan. Minsan nga kahit na sa edad na 40 hindi pa rin agad-agad nag-orgasm, pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi mo na na-enjoy ang pakikipagtalik, mag-cum ka man o hindi pwede mo pa rin ma-enjoy ang sex.

Kailangan mong maging open sa BF mo tungkol dito para mag-cum ka at paniguradong tutulungan ka naman niya. Kailangan lang talaga ay maging masaya at kompor-table ka lalo na ‘pag nagtatalik kayo.

Kailangan ay gamitin ni BF either dila o finger niya at kailangan mong pakiramdaman ang rhythm na gusto ng katawan mo para ma-reach mo ang orgasm.

Importante na masabi mo ito sa BF mo para maalala-yan ka niya at maaaring makontrol niya na labasan muna para magsabay kayo o mauna ka at sumunod siya. Basta ang importante ay maging relax ka, at the more na ginagawa mo ‘to, sa susunod hindi ka na mahihirapan pang mag-cum.

Enjoy but be careful, practice safe sex kung hindi pa handa magkaroon ng pamilya.

                                                Love,

                                                Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …