Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edukasyon prioridad sa Muntinlupa

Swerte ang mga kabataang taga-Muntinlupa dahil naging prioridad ng kasalukuyang administrasyon ang edukasyon.

Sa hindi nakaaalam, magmula sa elemen-tarya hanggang kolehiyo ay mayroong scholarship program ang rehimeng Fresnedi kaya naman talagang may katiyakang may magandang kinabukasan ang mga kabataan sa naturang siyudad.

May kasabihan nga tayo na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya naman dito natin nakikita sa lungsod ng Muntinlupa ang kasi-guraduhan na mayroong magandang tinatahak na direksyon ang mga kabataan.

Tama ang ginagawa ni Mayor Jimmy Fresnedi na mamuhunan o mag-invest sa edukasyon dahil isa itong magandang investment lalo na kung pag-uusapan ang kaunlaran ng isang lugar at ng mamamayan nito.

Tiyak na walang lalaking mangmang sa Munti at sigurado rin bibihira ang magiging jobless sa siyudad dahil tamang pag-aalaga ang ginagawa ng kanilang mga lider.

Napag-alaman natin na mayroong mahigit sa 3000 scholars ang Muntinlupa kaya naman talagang nakabibilib ito.

Binibigyan ng pamahalaang lungsod kada buwan ng P300 ang elementary scholars, 400 sa mag-aaral ng high schools at tumataginting na P30,000 sa kanilang college scholars.

Nakabibilib ‘di po ba kaya’t hindi kataka-taka kung nag-produce ang Muntinlupa buhat sa kanilang mga scholars ng tatlong (3) magna cum laude at siyam (9) na cum laude.

Bukod sa scholarship, lalo rin pinalakas ng Munti government ang Muntinlupa Polytechnic College at Pamantasang Lungsod ng Muntinlupa.

Sangkatutak ang proyektong pang-edukas-yon ni Fresnedi katulad ng mga silid aralan sa Tunasan National High School at ang gym ng Muntinlupa National High School.

Tiyak na ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng Muntinlupa kaya’t sana’y marami pa ang Fresnedi na maging lider ng bayan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …