Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di makapag-antay si Hagedorn?

MUKHANG atat na atat na si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn na makabalik muli sa city hall?

Hindi pa man kasi natatapos ang termino ng tumalo sa kanyang asawang si Elena na si incumbent Mayor Lucilo Bayron ay gusto na niyang paalisin sa pwesto.

Sa hindi nakaakaalam, si Bayron ay bilas ni Edward Hagedorn dahil ang kanilang mga asawa ay magkapatid.

Matindi ang nangyaring gapangan ng mga ka-grupo ni Hegedorn para maging matagumpay ang kanilang recall petition dahil halos doble sa pangangailangang pirma ang kanilang nakalap para matuloy at mailuklok nilang muli ang dating mayor na natalong senador nitong nakalipas na election.

Mula sa kailangan sanang 19,000 na lagda ng mga rehistradong botante ay nakakalap ang mga pro recall groups ng mahigit sa 40,000 pirma.

Ganito katindi ang labanan sa Puerto Princesa dahil bukod sa magkadugo ang magkalaban ay talaga namang hindi na maantay ang talagang halalan.

Maging ang supporters daw ng magkabilang grupo ay nagkakainitan na rin kaya’t dapat maging laging handa ang pulisya sa anomang mangyayari.

Binubutas ng pro recall groups na tumamlay raw ang negosyo ng turismo sa siyudad ngunit kung pagbabasehan ang tala ng national government ay patuloy itong umuunlad.

Maging ang mga pagawaing bayan ay patuloy at mas marami kaya’t labis ang pagtataka ng mga tahimik na mamamayan ng lungsod sa itinutulak na recall election.

Maging ang scholarship program sa panahon ni Bayron ay talaga namang kakaiba dahil mula elementarya ay talagang pinag-ukulan nito ng pansin.

Kakaiba ang Puerto Princesa pero dapat sana ay maging mapag-antay ang mga lider-politiko rito dahil dapat nilang tanggapin na ang lahat ay may hangganan.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Sexbomb

Scalpers sa Rawnd 3 at 4 concert ng Sexbomb pag-ingatan

I-FLEXni Jun Nardo NAKAPILA ang mga gustong makakuha ng tickets sa Rawnd 3 ng Get Get …

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

ABC VIP Nazareno Quiapo

ABCVIP Alliance puso ang alay para sa mga deboto ng Itim na Nazareno

MULA sa diwa ng Pasko hanggang sa pananampalataya ng Bagong Taon, patuloy ang adbokasiya ng ABCVIP …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …