Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iba na ang Munti kay Fresnedi

MALAKI na talaga ang ipinagbago ng Muntinlupa sa pamamahala ni Mayor Jimmy Fresnedi dahil sa pagiging tutok sa trabaho nito bilang chief exe-cutive ng siyudad.

Ang pagbabago ay kapansin-pansin dahil kitang-kita ang mga proyektong isinagawa nito magmula sa pagawaing bayan hanggang sa pag-hahanda sa kalamidad.

Maging ang pagpapaigting ng kakayahan ng mga empleyado ng city hall ay pinagtuunan din ng pansin ni Fresnedi kaya’t tiyak na mabibigla kayo sa kakaibang approach ng mga empleyado kapag nagawi sa opisina ng pamahalaang pang-lunsod.

Katunayan sa pag-upo lamang ni Fresnedi noong nakaraang taon itinatag ang City Disaster Risk Reduction Management Office dahil naniniwala ang alkalde na kailangan ng drastikong pagpaplano at pagha-handa kapag dumarating ang kalamidad.

Nakipagkasundo rin ang alkalde kay Dr. Eduardo Morato, isang tanyag na guro sa Asian Institute of Management para turuan ang mga hepe ng iba’t ibang tanggapan ng karagdagang kaalaman kaugnay ng epek-tibo at makataong pagseserbisyo-publiko.

Maging ang scholarship ng mga magaga-ling at matatalinong mag-aaral ay tinututukan din mismo ni Fresnedi kaya’t dinagdagan niya ang pondo para rito upang mas marami ang makinabang.

Grabeng trabaho rin ang ginagawa ngayon ng alkalde dahil siya mismo ang umuupo para pag-aralan ang mga alternatibong ruta upang maiwasan ang malalang trapik kapag dumating na ang panahon ng pasukan.

Umpisa pa lamang iyan ng mga pagawain at proyekto ni Fresnedi kaya’t tiyak na marami pang pagbabagong magaganap sa Munti dahil kakaibang dedikasyon at puso mayroon ang na-sabing alkalde.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …