Nakaaawa pala ang job order employees ng Caloocan City government.
Napag-alaman kasi natin na inaabot ng da-lawa hanggang tatlong buwan bago sila pasahurin ng lokal na pamahalaan na pinamamahalaan ngayon ni Mayor Oca Malapitan.
Lahat na raw ng pagtitis ay kanilang ina-abot at maging ang kanilang hiya ay kanila na rin kinakain dahil ito lamang daw ang makasasagip sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Umaabot daw sa halos 4,000 katao ang job order employees ng Caloocan kaya’t malinaw sa bilang na ito kung ilang mga pamilya ang nagugutom dahil sa ganitong kalakaran.
Siyempre kapag delay ang inyong sahod, ka-kagat ka sa utang o tinatawag nating 5/6 na lalong magpapahirap sa iyong buhay.
Walang katapusang tubo ang 5/6 kaya’t dahil kapit na sa patalim ang pobreng mangagawa ay talaga namang nababaon sila sa kumunoy ng kahirapan.
Hindi tuloy maiiwasang lumabas ang tsismis na sadyang dine-delay ang sweldo dahil may mga makapangyarihang tao raw sa siyudad ang nagmamaniobra upang ito ay kanilang pagkakitaan.
Sa madaling salita, hawak din nila ang 5/6 ng siyudad kaya’t dedma lang sila sa gutom at hinagpis ng job orders.
Napag-alaman natin na karamihan sa job order employees ay ‘yung mga nasa kalye nagtatrabaho na kinabibilangan ng traffic aide at kaminero, mga kawaning nagpapatulo talaga ng pawis para lamang mairaos ang kanilang mga mahal sa buhay.
Alam natin hindi natutulog si Lord kaya’t naniniwala ang pitak na ito na may hangganan ang lahat ng pagtitiis dahil tao rin naman ang may kagagawan nito.
Alvin Feliciano