Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Total makeover kay Roxas

DAPAT nang baguhin ang imahe ni DILG Sec. Mar Roxas sa publiko kung gusto talaga ng Liberal Party na siya ang pumalit kay PNoy sa Malakanyang.

Ito kasi ang isa sa pinakakailangan sa imahe ni Roxas na sa hindi malamang kadahilanan ay nanatiling negatibo ang dating sa publiko sa kabila na hindi nadawit sa kahit ano mang isyu ng kurakutan sa gobyerno.

Sa salitang kalye, pagpapapogi sa lahat ng aspeto ang kailangan ni Roxas at ito ay kanilang dapat simulan agad-agad dahil nalalapit na ang 2016 at posibleng gahol na sila sa panahon.

Dapat na rin pakinabangan ang kanyang mga taga-isip kung may isip nga sila o mga sipsip-buto lang dahil bobo na lamang ang hindi nakaaarok sa kalalagyan ni Roxas kapag hindi nila binago ang image nito sa madlang people.

Kailangan gamitin rin ng Roxas camp o palakihin ang isyu ng pagiging malinis ng kalihim sa isyu ng kurakutan dahil sa kanyang mga posibleng makatunggali ay puno ng demanda sa Ombudsman at Sandiganbayan.

Issue oriented at gimik ang dapat pagsabayin ng Roxas camp para makahabol kay VP Jojo Binay dahil kapag hindi nila pinagsabay ang dalawang ito ay tiyak na kakapusin na naman ang asawa ni Korina Sanchez.

Masa ang mamboboto kaya’t dapat magpaka-masa si Roxas na nanatiling elitista sa isip at mata ng publiko dahil dito lamang siya makababangon.

Maraming magagaling na tao sa ‘Pinas kung gustong bumangon ni Roxas sa pagkakasadlak sa kawalan at iyan ang dapat niyang agad gawin  dahil malinaw namang puro sipsip-buto at kumag lamang ang nakapaligid sa kanya na walang iniisip kung hindi magkamal ng pera.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alvin Feliciano

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …