Monday , December 23 2024

Well-meaning Pinoy musicians in concert (Kapit-kamay para sa mga biktima ni ‘Yolanda)

120513 bagong pagasa 121313 bagong pagasa

MAGSASAMA-SAMA ang mahuhusay at kinikilalang Pinoy musicians sa limang oras na awitan at tugtugan upang makatulong sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda.

Ang konsiyertong “Bagong Umaga Bagong Pag-asa” ay gaganapin sa Sabado, Disyembre 14, ika-7 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi sa Pagcor  Theater, Casino Filipino Parañaque.

Matutunghayan sa fund-raising concert ang kakaibang pagtatanghal ng mga respetadong Filipino artist na sina  Faith Cuneta, Phil. Pop Rock Prince Mark Mabasa Arthur “The Crooner” Manuntag, Classic Diva Fame Flores, Marc ‘Ordinary Song’ Velasco, Jograd Dela Torre, Romy Jorolan, Henry Katindig and Jeannie Tiongco, Darius Razon, Edgar Opida, Bobby Mondejar and Friends, Albert Depano, Jesse ‘Banyuhay’ Bartolome, Atty. Bong Baybay, Gabby Cristobal, Aurora, Beng Karganilla, The Rhythm of 3, Francis Bax, Gene Lucena, Leonard De Leos, Roy Zulueta, Carlo Magno, Lander Blanza and the Northstar Band, Bong Jadloc, Karaoke World Champions JV Decena and Lilibeth Garcia, Pilipinas Got Talent Finalist Lucky Robles, World Competition of Performing Arts (WCOPA) Champions Marielle Mamaclay, Lady Onnagan, Joshua Marquina at iba pang sorpresang panauhin.

Habang magsisilbing hosts sa konsierto sina Ms. Francine Prieto at Mr. Bob ‘Blues’ Magoo.

Ang ticket ay mabibili sa halagang P500 sa entrance ng Pagcor Theater at lahat ng kikitain sa konsiyerto ay agad ipagkakaloob sa Philippine Red Cross (PRC) matapos ang limang oras na pagtatanghal.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *